Tuesday, April 19, 2016

Huwag Iboto si Duterte

Fist bump tayo! (sa mukha)
Sabi ng iba, isang imaginary superhero si Duterte. Parang sa isang perfect world lang pwedeng magkatotoo ang mayabang n'yang 3-6 months ultimatum sa krimen. Don't get me wrong, gustong gusto kong maniwala kay Duterte pero 'di mapagkakailang parang masyado yatang fantastic ang pangako n'ya 'di ba? Saka besides, nasabi na ba n'ya ang detalyadong steps paano n'ya magagawa 'yon? Medyo malabo yata.

Kaya kung tingin mo drawing lang si Duterte: Huwag mong iboto si Duterte.

How about 'yung mga banat n'yang bastos? Kadiri 'di ba? Ganyan ba magsalita ang isang kandidato for presidency? Napaka unbecoming naman yata. 'Di ba kayang magsalita ni Duterte na tulad ng nakasanayan na nating mga kandidato before? Bakit ba s'ya ganyan to begin with? Bakit parang wala s'yang pakelam sa mga salitang lumalabas sa bibig n'ya? Paano tayo magiging proud sa isang presidenteng parang sanggano kung magsalita?

So kung ayaw mo ng presidenteng madumi ang bunganga: Huwag mong iboto si Duterte.

Kailan lang nabalitaan ko 'yung about sa komento ni Duterte sa issue ng West Philippine Sea. 'Langya, willing pala s'ya ibigay na lang sa mga Chinese ang islands natin para lang sa tren! Grabe. Talagang nagmukha naman tayong kawawa 'non 'di ba? Anong klaseng solusyon kaya 'yon? Simula't sapul alam naman nating atin ang mga isla 'don so bakit tayo papayag "ipasakop" sa mga intsik 'yon? Kesyo di raw tayo pwedeng umasa sa USA sa suporta. Di kaya duwag lang s'ya?

Kung sa tingin mo walang sense ang comment ni Duterte: Huwag mong iboto si Duterte.

Tukaan 2016
Kamusta naman ang rape joke n'ya sa isang Australian? Napaka manyakis naman ng kandidatong 'to. Walang galang sa mga babae, tsk. Paano s'ya mag-aalaga ng bayan eh kung sa mga babae pa lang di na s'ya mapagkakatiwalaan? Kung sa bagay di nga s'ya nahihiyang amining babaero s'ya 'di ba? At kung makahalik sa mga supporters n'yang babae - juice colored!

Kung ayaw mo ng manyakis na presidente: Huwag mong iboto si Duterte.

Heto pa isa. Sino ba namang nasa katinuan ang sa panahon ngayon 'yung gustong ibalik ang death penalty? How barbaric! No wonder ganon ganon na lang din s'ya magpapatay ng tao, eh parang wala namang value ang buhay sa kanya, eh. Syempre 'di mawawala sa usapan ang infamous death squad of Davao. Paano mo masosolve ang krimen kung patayan din naman ang solusyon mo?

Kung ayaw mo ng war-freak na presidente: Huwag mong iboto si Duterte.

Okay, with all that said - siguro naman convinced ka ng hindi deserving si Duterte sa boto mo. Pwede ka na ngayon humayo at mamili sa mga natitirang kandidato na di hamak namang mas matino kay Duterte. Well, more or less.

That's all - happy voting!

Bye!

...

...huh?

Bakit nandito ka pa?

Ano pang hinihintay mo?

Akala mo ba may "something" pa?

Well, treat this as the "after credits" ng post na 'to.

Pero may pwede pa bang masabi para mabago ang isip mo towards Duterte?

O curious ka lang kung bakit maraming supporters ang isang drawing, tactless, walang sense, manyakis, at war-freak na si Duterte? Well, tulad ng blog entry na 'to, maybe there's more to this than negativity. Maybe Duterte isn't the messiah everyone is hoping him to be pero I firmly believe din that he's not as evil as some picture him to be.

3-6 months crime-free Philippines is unheard of. Sino na ba'ng nangako n'yan ever? Mas okay sana kung sabihin n'ya in bullets (not literal) ano ang step by step plan n'ya paano n'ya magagawa 'yon. Pero you know what? Coming from someone na may track record na for peace and order, I will happily entertain his effort to fulfill this promise. Makuha man n'ya ng 6 months o hinde, if I like how he does his job, I will still support the man. Sa kanya ko naramdaman 'yung sincerity na talagang gusto n'yang mabali ang gulong ng kurapsyon at krimen sa Pilipinas. Other candidates, meh, usual traditional templated speeches na narinig ko na din sa mga dating kandidato,

Duterte nose knows
Duterte might just have what it takes to bring change sa bansa natin. Badtrp lang na some people dismiss Duterte by saying na "Nasa tao 'yan, kung 'di magbabago ang pinoy wala 'ding mangyayari". Exactly my point - people demand change sa buhay nila and sa takbo ng gobyerno when sila mismo di makasunod sa simpleng batas trapiko. Noon pa natin alam 'yan na nasa tao talaga ang susi ng pagbabago. Pero kamusta naman? Knowing this fact doesn't change a thing. Nasaan ang action?

Malungkot man isipin, pero nasa ugat na natin ang problema sa disiplina. Kultura na kumbaga. Chain reaction na lahat from there. Corruption, krimen, red tape, at kung ano ano pa. So kailangan natin ng kamay na pipihit sa susi na 'yon para tuluyan na tayong lumaya sa selda ng kahirapan. Isang leader na may political will that can actually start the gear turning para sa atin. Masyado na tayong matagal na-tengga sa kangkungan. Sure, umuusad naman ang pinoy kahit paano pero I feel that we're not moving in our full potential. As long as lantaran ang corruption at walang peace and order, pilay ang Pilipinas. Okay nga ang ekonomiya (na halos di rin naman nararamdaman ng mahihirap nating kababayan), pero ang core ng bansa naman natin ay nabubulok. In the long run - wala rin.

Tungkol naman sa unorthodox way n'ya umasta at magsalita, well, what can I say? It's safe to say na di s'ya model presidential candidate. Sure 'yon. Habang ang iba piling-pili ang sa mga sasabihin, si Duterte naman eh parang wala lang. He speaks his mind as if nagkukwentuhan lang kayo ng barkada mong loko-loko. Ilan ba sa mga kandidato ang ganito? Well, downside is, madalas mapahamak si Duterte ng dila n'ya. Masyado s'yang walang preno and sa totoo lang, 'yung iba n'yang banat below the belt talaga. May kasabihang you can't teach an old dog new tricks, pero after all these contrversies, I suppose 'di na n'ya kailangan ng "trainer" to know what's appropriate from not. He might be tactless, but at least we know he's honest. Too honest pa nga minsan. At sabi nga ni Billy Joel, honesty is such a lonely word. INDEED.

His tongue might be all over the place but his heart is in the right place.

About China. Talaga bang out of cowardice kaya ayaw n'yang lumaban sa China? Reality check muna tayo. To put it bluntly, wala tayong laban sa China. Period. Sure, kakampi natin ang US pero tulad ng sabi ni Duterte, syempre they'll also act according to their interest. In short, we cannot depend on them, or kahit kanino when shit gets real. Duterte is just painting us a realistic picture of things to come and makes the most out of the situation. Saka sino ba ang may ari ng pinakamalalaking businesses dito sa Pinas? Last time I checked mga singkit din ang mata. So please don't act as if we haven't been violated that much. Sadly, para talagang puta ang Pinas minsan. Hopefully this will change. And I believe change is coming if Duterte wins.

Sana nga makulong lahat ng dapat makulong at maparusahan lahat ng dapat maparusahan. Masyado ng matagal na panahong wala ng respeto ang mga kriminal sa justice system ng Pinas. Kulungan na parang condo unit para sa mga VIP's. Kulungang may kusina ng shabu. Bungal ang kagat ng hustisya sa atin kaya pinagtatawanan lang tayo ng mga drug lords. 'Di na 'ko magugulat na favorite hang out dito ng mayayamang sindikato kasi naman walang consequence ang mahuli. So, paano ba naman may susunod sa batas kung (1) walang takot ang taong gumawa ng bawal at (2) 'di naman nai-implement ng maayos ang parusa sa mga sumusuway?

Duterte: Fist bump tayo Mar! *Bgsshhhhh!*
Paano ba naman, sa gobyerno mismo eh may magnanakaw. Cleansing talaga ang kailangan ng Pinas. Overhaul kumbaga. Masyado ng bulok ang sistema kaya kailangan ng palitan. We need to strike fear sa mga taong naghahasik ng lagim sa lipunan. Kamay na bakal. 'Yung iba may hangover pa ng martial law. Yeah, I understand the concern, pero 'di naman kailangan humantong sa ganon para ma-achieve ang pagbabago. Drastic times call for drastic measures. Drastic change requires drastic decisions towards that goal. Sharp turns and death-defying jumps. Leap of fate talaga. We just have to trust the driver that he'll take us to our dream destination - a better Philippines.

Hindi war-freak si Duterte, if he is, eh 'di sana with his macho image and all sinabi na n'yang gyera kung gyera sa China 'di ba? Nag-iisip din s'ya at hindi puro tapang ang pinapairal. Pero bakit gusto n'ya ng death penalty? At bakit may death squad pa on the side? It's just a matter of belief I guess. Kung gusto mong isiping taga-patay lang ni Duterte ng 'di n'ya trip na tao ang death squad, so be it. Kung masaya lang s'ya makitang mamatay ang isang bilanggo, eh 'di fine. Nasa interpretasyon mo na 'yan. But for me, it's time to level up our punishment para naman medyo kabahan ang mga big time criminals. Let them know na they can actually die by doing a crime and that they're not as untouchable as they think they are.

In the end, kahit sino sigurong manalo 'di naman papabayaan ang Pilipinas. Let's say may sariling interes 'yung iba pero 'di naman siguro to the point na wala na lang pakelam sa bayan. We can choose to go safe, why not? We're on the right track na nga eh, sumisigla ang ekonomiya at lumalago ang GDP. Pero may pake kaya ang mahihirap nating kababayan sa GDP? Ramdam kaya nila 'yon. Nakakain ba 'yon? Alam ba nila kung ano 'yon? I doubt it. Pero ang peace and order may immediate effect. Kahit anong estado mo sa buhay marararamdaman no 'yun eh. Kaya siguro malakas si Duterte kasi he promises things na mararamdaman ng lahat agad. He's not perfect, pero sino ba ang perpekto? It's either you're in or out lang naman - walang half o one fourth. Vote for him or someone else.

Kung hindi man s'ya ang napili mo, OK lang 'yon. In the end, tayo pa din ang panalo kasi I'm sure you voted sa kung sino ang sa tingin mong worthy maging pangulo. Wala naman kasing nakakaalam ng tunay na nilalaman ng isip ng mga kandidato - some can be vocal like Duterte, 'yung iba gulatan na lang pag nakapwesto na. So if you have doubts, but the positive outweighs the negative - vote for Duterte. Pero kung sa tingin mo wala sa kanya ang qualities ng isang pangulo, by all means - huwag mong iboto si Duterte.

Basta friends pa din tayo, okay?

No comments:

Post a Comment