The motherly candidate |
Anyway, napansin n'yo din ba ang mga ito sa debate?
- Chiz: Kaboses ni Peebo ng Bioman (robotic)
- Bongbong: Laging kulelat magtaas ng thumbs up/down card (sneaky)
- Cayetano: Natameme sa usapan ng anti-dynasty bill (guilty)
- Trillanes at Honasan: Parang back-up dancers lang (sorry)
- Robredo: Panalo ang ending na "may the best woman win" (witty)
In fairness, napangiti ako sa closing statement ni Leni. Sigurado ako hindi lang ako ang natuwa 'don. Pero alam n'yo bang hindi original ni Leni ang linyang ito? Yes, just this morning, I came across this Facebook post:
May the best women win |
Okay, unang-una eh ano naman ngayon?! Hindi naman kine-claim ni Leni na s'ya ang nakaisip ng linya na 'yan. Besides, the occasion was perfect for such line. S'ya lang ang babaeng kandidato kaya sakto 'di ba? OA naman maka-react talaga ang ibang tao, eh. Sobrang harsh! Times like this talagang maiisip mo talaga na nasa peak na tayo ng campaign season dahil konting butas lang na makita ng kalaban talagang papalakihin. Tulad nito, classic example.
Leni Robredo strikes me as a very caring candidate. Alam mo 'yun, parang nanay na nanay 'yung dating, eh. Kaya siguro ang mga nabadtrip sa linya na 'yon eh kulang sa motherly love kaya sobra ang galit sa mundo. Kulang sa yakap ng ina. Oh well, this just goes to show na huwag muna masyado papadala sa mga nababasa sa social media lalo na sa panahon ng eleksyon. Ang daming exaggerated at mga questionable info! Kaya huwag uto-uto at maging wise di lang sa pagboto pati na rin sa pag-absorb ng info sa napakaruming mundo internet.
No comments:
Post a Comment