Thursday, March 31, 2016

Dear Peppa

Peppa pig dog
Dear Peppa,

Welcome to your new home! Alam ko magugustuhan mo sa bahay namin dahil marami kang magiging friends dito. Alam mo naman ang bahay namin - parang animal shelter na din, he he. 

Nakwento sa akin ni Judy na nabili ka pala n'ya sa isang masehista sa terminal kagabi. Double purpose na rin kasi tulong na din daw n'ya 'yon sa original amo mo. Kaya naman 'nung pinagbuksan ko ng pinto si Judy kagabi nagulat ako at bitbit ka na n'ya. Surprise! May bago na naman kaming pet dog.

Binigyan agad kita ng pangalang Peppa. Why Peppa? Kasi natuwa ako sa cute mong buntot. Parang sa baboy, eh. I know, sa akin pa talaga nanggaling ang salitang baboy pero 'yun talaga ang naging inspiration ko sa name mo. Peppa pig! Pero syempre Peppa dog ka naman.

Halata namang matalino at sweet ka. Sana i-maintain mo 'yan, okay? Wag mong gagayahin si Patty na lahat na lang kinakain, tsk. Turuan mo s'ya ng mabuting asal paglaki laki mo na. Sinubukan kong i-google kung anong klaseng aso ka, malakas ang kutob ko mini pinscher ka eh, tama ba? Bark once kung oo, at twice kung hindi. 

Lovelots,
Ronski

No comments:

Post a Comment