Minion: "Sana ako na lang ulit..." |
Ang sarap mag soundtrip during these times, di ba? At salamat sa technology, isang salpak lang ng earphones sa tenga mo at kahit nasaan ka pa, mapa byahe, mall, o eskwela, meron kang escape. Di na kailangang magkulong sa kwarto para mag-senti dahil para ka na ring may private melancholic sanctuary habang naka earphones at para bang hiwalay sa maingay na mundo. Sabi nga ng kanta - salamat, musika. So ano ba'ng nasa Kalungkutan Playlist mo?
Hayaan mong bigyan kita ng suggestions na pwede mong idagdag sa koleksyon mo. Lahat ng isa-suggest ko ay home grown music, some you might already have pero I am sure may mangilan-ngilan dito na ngayon mo pa lang mapapakinggan. Sana makatulong sa bugbog-sarado mong damdamin ang mga kantang ito.
WARNING: Ilayo ang blade o anumang matatalas na bagay habang nakikinig sa mga kantang ito. Huwag kang oa-emo-laslas-pulso, okay? Let the music heal you. Hear and heal. So here they are, the top 20 songs in my Kalungkutan Playlist in no particular order.
1. Pinaasa mo ang Puso Ko (Gary Granada) - Para sa mga, well, pinaasa.
2. Tummy Ache (Sugarfree) - Para sa mga rejected.
3. No Umbrella (Cynthia Alexander) - Para sa mga magagandang alaalang natira
4. Bituin (Itchyworms) - Para sa mga pinalampas ang pagkakataon
5. Nobela (Join the Club) - Para sa mga may nami-miss
6. 241 (Rivermaya) - Para sa mga nagkagusto sa taken na.
7. Tuyo ng Damdamin (APO Hiking Society) - Para sa mga nanlalamig na.
8. Huwag na Sana 'kong Gumising Mag-isa (Itchyworms) - Para sa mga nangangamba.
9. Homecoming (Rivermaya) - Para sa mga naghihintay.
10. Huwag ka nang Umiyak (Sugarfree) - Para sa mga wala ng maintindihan.
11. Nandito Ako (Pike/Veena Ramirez) - Para sa mga ayaw ng mag-isa.
12. Pagdating ng Bukas (Labuyo) - Para sa mga kailangan ng lumisan.
13. Ikaw at Ako (Johnny Danao) - Para sa mga alinlangan ng pag-ibig.
14. Walang Hanggang Pag-ibig (Joey Ayala) - Para sa mga magkahiwalay.
15. Saranggola sa Ulan (Gary Granada) - Para sa umaasa pa rin.
16. Balewalang Pag-ibig (Join the Club) - Para sa mga nanghihinayang.
17. Cuida (Sugarfree) - Para sa mga wala namang maibibigay.
18. Nagsasawa ka na ba? (Diego Mapa) - Para sa mga napagsawaan na.
19. Tayong Dalawa (Kikomachine) - Para sa mga nagtitiisan.
20. Heaven Knows (Orange and Lemons) - Para sa mga nagparaya.
No comments:
Post a Comment