Wednesday, March 16, 2016

Ate, Ate... Anyare? (A Pinoy Zombie Apocalypse Fiction)

In celebration sa ika-100 entry ko dito ronflakes gusto kong sumulat ng isang kakaibang entry. Isang fiction! Isang fictitious story na pagsasama-samahin ang pinakamalulupit na panagalan sa iba't ibang industriya. Ito lang ang kwentong hindi pwedeng ikahon sa iisang genre lang dahil meron s'yang action, suspense, drama, comedy at bold love story.

At dahil fiction lang ito, LAHAT ng mga characters dito (kahit gamit ang real names nila) ay pawang bunga lamang ng aking malikot at makulit na imahinasyon. Parang spoiled brat na epileptic sa kakulitan at kalikutan. Any materials used are credited sa kung sino man ang may-ari. SO, di na ako magpapatumpik-tumpik pa at simulan na natin ang unang kabanata ng ating malupit na nobela na pinamagatang: Ate, Ate... Anyare? Enjoy!

Si ate zombie habang kumakain ng brainsss

CHAPTER 1: Prologuing the Agony

Madilim ang paligid. May tumawag sa pangalan ko.

"Ronskiiiii....  Ronskiiiiii...."

Ang tinig na 'yon. Pamilyar. Parang narinig ko na from somewhere. YUN! Para s'yang kaboses nung mga kumakanta sa BeeGess. Malamyos at nakatodong aircon sa lamig ang tinig. Hmm, o parang VST and Company? Patuloy pa rin ang pagtawag ng tinig sa dilim. Wala akong makitang kahit ano. Panaginip ba 'to?

"Wag kang bibitiw bigla... 'wag kang bibitiw bigla...ah, ah, ah....."

This time parang BeeGees na Yael ng Spongecola ang boses na naririnig ko. Weird. Lumingon lingon ako pero wala talaga akong makita! Syet, di yata 'to panaginip - BANGUNGOT! Someone wake me up! (in konyo dream voice)

Traffic na naman sa EDSA
At sa isang iglap, dumilat ang aking mga mata sa isang pamilyar na lugar. Nakatulog pala ako sa bus. Stuck ang bus sa gitna ng traffic sa EDSA. Dami kong pawis! Ilang beses ko na rin kasi napapaniginipan 'yung eksenang 'yon at habang tumatagal, lalong parang nagiging mas totoo. Pero teka, nasa airconditoned bus ako pero bakit ako pinapawisan pa din? 

"Init 'no?" sabi ng katabi ko.

Sumagot naman ako ng "oo nga eh". Nilingon ko 'yung katabi ko at nagulantang sa nakita. Si superstar Nora Aunor! Nanlaki ang mata ko at nag-hang ang utak. 

"O, okay ka lang, boy?" tanong ni Nora. 

"Nora... ikaw si Nora Aunor!" 'yun na lang nasabi ko.

"Ha ha ha! Antok ka pa yata, boy." napailing-iling lang si Nora. 

Pero siguradong sigurado ako na si Nora Aunor s'ya! Nunal na nunal pa lang wala ng duda. Pati gestures ng kamay at balikat n'ya sa pagsasalita Nora Aunor na Nora Aunor. Pero come to think of it, ano naman nga ang ginagawa ng isang superstar sa isang pampublikong bus? Baka naman panaginip pa rin 'to, di kaya? At biglang lumapit sa amin ang kundoktor. Tingnan ko kung mamumukhaan n'ya si Nora. Sigurado matutulala din sa pagka-star struck 'etong konduktor. Pero again, ako ang natulala.

"Saan kayo, sir?" Hayup. Si Robin Padilla 'yung konduktor. Ngumunguya ng chewing gum at cool na cool sa kanyang bus uniform. Never naman ako suminghot ng rugby sa buong buhay ko pero bakit ako naghahallucinate ng ganito?

"SIR! SAAN PO KAYO?" Medyo tumaas na boses ni Robin para mag snap-out na'ko sa pagka-shock. 

"Nako kanina pa ganyan 'yang batang 'yan. Parang wala sa sarili." Gatong pa ni Nora na medyo natatawa pa. Okay. This is definitely a dream. Obvious na obvious. Natawa na lang din ako sa sarili ko. So I decided to stand up para bumaba ng bus. Baka pag umalis ako ng bus na'to babalik na talaga ako sa realidad. Pero hinarangan ako ni Robin.

"Kaibigan, di ka pa nagbabayad kaya di ka pa pwedeng bumaba."

Nakangiti lang ako dahil alam ko namang imposibleng totoo ang mga eksenang 'to di ba? So nagmatapang ako. Hinawi ko lang si Robin at dire-diretso ako sa exit ng bus. Sarap ng sa feeling! Parang ang angas lang! Robin Padilla hinawi ko lang ng ganon ganon. Only in dreams, baby!

'Nung aktong bababa na ako, ayaw buksan ng driver 'yung pintuan. Hanep. Now I must deal with the bus driver. Di ako masusupresa kung isa na namang celebrity ang driver so I'm ready for it. So nilingon ko kung sinong epal 'tong bus driver.

Si Miriam Defensor Santiago lang naman. 

I'm doomed.

Kung s'ya ang bus driver maiisip mo pa bang mag 1-2-3?

CHAPTER 2: The Miriam Express

Mga dalawang minuto din akong parang istatwang nakatayo lang sa tapat ng exit door habang nakatitig kay Miriam Defensor Santiago. Cute n'ya pala kapag naka bus driver uniform. Para akong napatingin kay Medusa dahil nanigas ang buong katawan ko sa lakas ng dating ni Miriam.

"So, are you just planning to stand there all day, mister?!" sarcastic na tanong ni Miriam sa akin. Natauhan naman ako at luminga-linga sa paligid. SYET. Mukhang di ako nananaginip, totoo ang lahat ng 'to. Tiningnan ko isa isa ang bawat pasahero sa bus. Parang lahat sila ay familiar-looking. Nasa isa ba akong game show? Wow Mali? May nakatago bang camera? Bawat pasahero kasi parang napanood ko na sa news o tv shows.

Sa front row nakaupo si Kris Aquino katabi n'ya si Ai Ai and James Yap. Hmm, nakagitna pa talaga si Ai Ai between James and Kris - OH! I get it, the annulment thing, hehe. Katapat nilang upuan is two-seater. Aba! Sina Sir Chief (Richard Yap) at si Maya (Jodi Sta. Maria) ng Please Be Careful With my Heart. Masaya naman silang naglalandian. Sa likod naman nila magkatabi ang magkapatid na Richard at Raymond Gutierrez. Busyng-busy sila sa mga iPads nila. Sa tapat nilang 3-seater, sina Tito, Vic and Joey naman ang nakaupo. IDOLS! And the popular names go on hanggang sa huling upuan ng bus. WOW. ano 'to parada sa Manila Film Fest? Bakit ang daming stars? Pero parang di sila aware na sila ay mga sikat na tao. Weird. So nagtanong ako kay Miriam.

"Ma'am, bakit po puro celebrities kayong nandito sa loob ng bus?" magalang na tanong ko.

Tumaas ang kilay ni Miriam. "Celebrities?! Kami? Hahahahaha!" hagalpak ng tawa si Miriam pati na rin si Robin at ang iba pang pasahero sa bus. Parang nabu-bully yata ako, ah. May nakakatawa ba sa tanong ko?

"We're not celebrities, iho. We're just ordinary people trying to survive the zombie apocalypse like you. Haven't you noticed kaya tayo stuck sa traffic is because lahat ng tao ay gustong lumikas papalayo sa Manila? Manila is now zombie-infested!" paliwanag ni Miriam.

"Zombies?" napakunot ang noo ko at ako naman ang humagalpak ng tawa. This time, walang tumawa kasama ko, kaya dahan dahang nawala ang pag-tawa ko. Fade out kung baga.

"Pero kayo po si Miriam Defensor Santiago, di ba?" tanong ko sa bus driver.

"Ako nga si Miriam. So what's the big deal?" Nalaglag ang panga ko. Lumingon ako sa konduktor na si Robin Padilla at binasa ang name tag n'ya. "Robin" talaga ang nakalagay. WOW. Mindfuck. Napalamukos ako ng mukha at natawa sa sarili. Parang di sila aware na celebrity sila. Isa ba 'tong parallel universe? Kung ano man 'to, it feels real and looks real so might as well just get along with this celebrity zombie apocalypse thing.

Napatingin ako sa harap. May malaking barikada sa highway kaya wala ng makadaang kahit anong sasakyan. So that's why para kaming stuck sa traffic. Marami na ding nagpapanic na tao sa labas. May tension na din between the military na nagbabantay sa barricade at sa mga taong gustong makaalis ng Manila. SHIT, this is serious. Bumalik na lang ako sa aking upuan. Bigla namang nagsalita ang kapitan ng bus na si Miriam.

Human barricade sa EDSA
"Brace yourselves passengers, we have waited too long and now, we will charge ahead!"

Naghiyawan ang mga pasahero sa tuwa! Pero parang hindi ganun kasaya ang katabi kong si Nora. Tahimik lang s'ya at parang tulala pa nga. Napatingin ako sa braso n'ya na medyo natatakpan ng bag n'ya. May sugat! Hmm, parang fresh wound na kagat. TEKA.. kagat ng ano?!

Dahan dahang lumingon sa akin si Nora at namumutla ang mukha. Hindi kaya sumobra lang sa foundation? Hinawakan n'ya ang braso ko ng mahigpit! "Pakiusap, huwag mo kong isusumbong, nabalitaan kong may anti-zombie serum sa pupuntahan natin kaya hayaan mo kong umabot doon, PLEASE..." nakikiusap na sabi ni Nora. Napatango na lang ako. Di ko tuloy alam kung lilipat ba ako ng upuan o sasabihin kay Robin ang lagay ni Nora. Pero sana nga umabot s'ya.

At bigla na ngang umandar ang bus. Nakahawak sa akin si Nora at ako naman ay nakahawak sa upuan. BOOM! Ramdam na ramdam ko ang impact ng bus pagkabangga nito sa barikada. Dire-diretso na ang andar namin - wala ng lingunan. Astig na driver pala si Miriam! Lalong naghiyawan sa tuwa ang mga bus passengers.

Pero si Nora, ang higpit pa din ng hawak sa braso ko... at parang natatakam!

*LUNOK*


CHAPTER 3: The Napoles Memory

Habang turbo ang takbo ng bus namin, naghihiyawan naman sa saya ang mga bus passengers! Feeling fiesta sa bus! Nag-apir ang Teng brothers, sina Kris at James Yap nag-hug, nag group hug din sina Tito, Vic, and Joey. Kahit saan ako tumingin ay punong puno ng pag-asa. Well, of course maliban kay Nora Aunor na mahigpit pa din ang kapit sa braso ko at parang nagdedeliryo na. Gusto kong pumalag pero baka biglang ngasabin ang braso ko. Gusto ko din signalan si Robin sa pamamagitan ng eye contact pero lahat sila busy sa kaka-disco sa bus. At nangyari na nga ang kinakatakutan ko - tuluyan ng naging zombie si Nora!


Huling selfie ni Nora bago maging zombie
Agad kong tinulak palayo si Nora at tumayo ako sabay sigaw ng ZOMBIIIEEEE!!!!

Ang party-party sa loob ng bus ay biglang napalitan ng panic. Sina Raymond Gutierrez at Tim Yap nagtitili din ng "Zombie!" habang pilit lumalayo sa pwesto ni Nora. Buti na lang at di pa tumatayo si Nora, pero paano na kapag tumayo na 'to at manghabol ng tao? Pinapahinto na ng ibang pasahero si Miriam para bumaba pero di pa daw safe huminto sabi ni Miriam dahil we're still within Manila. 

Kris Aquino is now trying to break the bus window gamit ang takong ng sapatos n'ya. Pinigilan naman s'ya ni James Yap dahil delikado daw magkaron ng entry point ang mga zombies papasok sa bus. Nagtalo ang dalawa. Aksidenteng nahagis ni James si Kris papunta kay Nora! Natulala ang lahat. 

"HEELLPPP MEEEEE!!!!" Yan na lang ang nasabi ni Kris habang nginangasab ni Nora ang leeg n'ya ng paupo. Sa halip na mabadtrip - natuwa pa si Miriam. "Good job! Pakainin n'yo pa ang zombie na yan hanggang makalabas tayo ng Manila. I need more time!" - parang may bakas ng kademonyohan sa mga ngiti ni Miriam habang sinasabi n'ya yun. Di ko alam kung asar s'ya kay Kris o talagang brutal lang ang pamamaraan n'ya. Wala namang pumapalag sa mga rules n'ya since s'ya ang kapitan ng bus. "I need a guide! Di ko kabisado ang route natin palabas ng Manila! Someone guide me!". 

"Ako! I volunteer for self-incrimination!" sigaw ng isang nilalang sa likod ko. Si Janet Napoles! Ano alam neto sa pagiging guide? Oh, well...

"Okay, Janet tulungan mo ko dito sa driver's seat. As for the rest, feed Nora until we reach a safe place to stop." 'yan ang direct instructions ni Miriam so nagkatinginan kaming mga pasahero sa bus. Paubos na ang katawan ni Kris kaya dapat makapag-decide na kami sino ang susunod na ipapakain kay Nora. Lahat napatingin kay Jinggoy Estrada. "Oy! Sexy ako ah!" depensa n'ya sa sarili n'ya. Pero with that body matagal tagal ding snacks kay Nora 'yan. Then out of nowhere biglang lumabas si Kuya Kim. Hinablot si Jinggoy Estrada sabay sabi ng "Pagkain na yaaan!" Tuluyan na ngang tinulak si Jinggoy sa gutom pa ding si Nora.

Sa takaw ni Nora, ubos agad ang katawan ni Jinggoy. Health conscious pala si Nora at di kumakain ng fats, so 50% lang ng katawan ni Jinggoy napakinabangan n'ya. Mukhang malayo pa kami sa destinasyon namin so we need another sacrifce. This time, kailangan matagal tagal talagang kakainin ni Nora. Biglang may natanaw ako sa mga pasahero - jackpot! 'Eto talagang matagal tagal na fudams dahil isa silang grupo. Sa tulong nina Sir Chief at Robin Padilla, tinulak namin kay Nora ang grupong Chicser. Hay, sarap sa pakiramdam.

Lumipas ang isang oras wala pa din kami sa destinasyon namin. Nagsisimula ng maubos ang gasolina ng bus. Binisita ko sina Miriam at Janet. Kaya naman pala, nagkanda ligaw-ligaw na pala kami! Anyare?? Apparently, everytime na tatanungin ni Miriam si Janet kung saan dadaan sasagot lang ito ng "Hindi ko alam", "Hindi ko maalala", at "I invoke my right against self-incrimination". Halatang wala naman palang alam sa pagbabyahe at gusto lang maligtas sa pagiging food options ni Nora. 

Mala Speed lang ang peg nina Napoles at Miriam
Nang makahalata si Miriam, binuksan na lang n'ya ang pinto ng bus at sinipa si Janet palabas. Mukhang safe naman si Janet sa paggulong dahil sa matibay n'yang bullet proof vest. Pero di pa man nakakalayo sa pinaglaglagan ni Janet, unti-unti ng bumagal ang bus. Syet, ubos na nga ang gas!

"Nasaan na tayo, Miriam?" tanong ni Ai-Ai kay Miriam. Dahan dahan lang itong lumingon sabay sabing "We're back in Manila..."


CHAPTER 4: Ang Tamang Daan


Babala: Bawal Tumawid Nakamamatay!
Pagkahinto ng bus, parang mga baliw na nag-unahan sa exit ang mga celebrity pasahero. Kahit anong sigaw ni Robin na kumalma ang lahat, dedma lang ang mga ito. Syempre naman gusto lang nila makalayo kay zombie Nora na mukhang naglalaway na naman para sa kanyang next victim.

Ilang minuto pa ay naubos na ang laman ng bus. Ako na lang ang natira, si Robin, at syempre si Miriam na pinipilit pa rin paandarin ang bus.

"Bakit di ka pa sumama sa kanila sa pagtakas?" tanong ko kay Robin habang tinatali n'ya si Nora sa upuan. 

"Pre di ho ako nang-iiwan sa ere, ako ho ang konduktor ng bus na 'to at ipaglalaban ko ho ito hanggang huling hininga ko." proud na sagot ni Robin. "Si Ma'am Miriam ho ang kapitan ko at sa kanya lang ako susunod."

Ibang klase talaga sa loyalty si Binoy! Kung may Oscars award lang akong dala malamang naiabot ko na sa kanya sa sobrang touching ng speech n'ya. Pagkatapos maitali ni Robin si Nora sa upuan, tumayo na si Miriam sa kanyang upuan. "This is hopeless! Kailangan natin ng gas if we want to get out of this place." 

Tumingin tingin sa labas ng bintana si Robin. Natanaw n'ya 'yung mga pasahero ng bus na nagsitakbuhan sa labas. Kitang-kita n'ya paano lapain ng zombies ang magkapatid na Richard at Raymond. Sina Tito, Vic, and Joey naman di malaman kung saan tatakbo dahil hinahabol din sila ng zombie ng sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Vice Ganda. Eat Bulaga vs Showtime lang ang peg. Walang makawala kay Vice Ganda sa haba ng biyas nito, isang hakbang n'ya ay tatlong hakbang na ang katumbas kaya naman di rin nagtagal ay naabutan din n'ya sina Tito, Vic, and Joey. At ang bilis sumipsip ng dugo ni Vice, in fairness. Nang matapos lapain ang trio, bigla itong tumingin sa direksyon ni Robin. Matalim na tingin.. na may halong pagnanasa ng konte.

Vice habang pumapapak ng longganisa
"Syet! Mukhang dito papunta ang Showtime zombies ma'am Miriam." kabadong sigaw ni Robin.

"Mukhang wala tayong choice kundi mag-evacuate..." Halatang nanghihinayang iwan ni Miriam ang bus pero talagang no choice na kami. So we decided to abandon ship. Inabutan kami ni Miriam ng pamalong tubo. "Boys, ready your balls because we're heading out!"

Pero bago pa man kami makababa ng bus ay tumambad na naman sa harap namin si Janet Napoles at isa na s'yang zombie! Hinataw namin ng tubo ni Robin sa mukha si Janet pero wa-epek. 

"Useless 'yan boys, ganyan kakapal mukha n'yan!" birada ni Miriam habang kinukuha ang lalagyanan ng pamasahe ng bus. "Heto ang weakness n'yan." Hinagis ni Miriam sa labas ang lahat ng perang pamasahe and as expected, ito ang hinabol ni zombie Janet at pinagkakain. Wow, pati sa afterlife pera pera pa din!

Tumakbo kami sa isang residential area at luckily nakakita kami ng isang gasoline station sa di kalayuan! Pinag-iisipan namin kung kukuha pa ba kami ng gas for the bus o ituloy na lang ang pakikipagsapalaran sa area na 'to. Pero bago pa kami makapag decide bigla kaming nakarinig ng matilis na sigaw.

"HEEELLP!" boses ng isang babae na papalapit sa direction namin. Si Anne Curtis hinahabol ng Showtime zombies! As usual, malapit na namang abutan ni Vice zombie si Anne sa laki ng hakbang n'ya. Pero bago pa mahablot ni Vice si Anne, isang flying tubo ang tumama sa ulo ni Vice. BOOM! Panes! Initsa pala ni Robin ang tubo n'ya. Asintado talaga si idol! Napayakap si Anne kay Robin pero patuloy pa ding sumusunod sina Vhong at Jhong sa kanya, And now, it's my time to shine! 

Lumusob ako kina Vhong at Jhong para hatawin sila ng tubo sa ulo. Pero bigla silang nag back-flip at nakaiwas. Apparenty nasa dugo pa din nila ang pagiging Streetboys - ang hirap tamaan! Tuwing aasintahin ko ang ulo nila bigla na lang silang mag be-break dance. Paksyet! Paano ba 'to? At biglang out of nowhere ay may nag-sniper sa ulo nina Vhong at Jhong. Double dead. 

"Saan nanggaling 'yon? Walanghiya mas asintado pa sa'kin, ah." pahangang sabi ni Robin. "Parang sanay na sanay, eh."

"Kilala ko 'yan.." sabi ni Miriam. "Ayun s'ya sa taas ng pulang building. Si Rudy Duterte, ang sniper bae ng Davao."

Rudy the Sniper Bae ng Davao
"We're saved!" Sigaw ni Anne habang yumakap ulit kay Robin (nakakarami na 'yan, ah). Biglang from behind may kumalabit kay Miriam. At dahil sa military reflexes ni Miriam chinoke n'ya agad ang misteryosong lalaking nangalabit. "Sino ka?!" tanong ni Miriam habang hinigpitan pa ang pag choke sa lalake. Nagtatap-out na ang lalake.

"Ak-ko 'to, Mir-riam.. si Jej-jo..marrr..." Si Jejomar Binay pala. Ang ex-boyfriend ni Miriam. "Oh, buhay ka pa pala? Sana nasama ka na lang sa mga naging zombies." pasupladang sabi ni Miriam habang binitawan na si Binay.

"Hinanap talaga kita, Miriam. Di ko maatim na mag-evacuate ng di ka kasama." palambing na banat ni Binay, "Bakit kasi kung sino pang pandak s'ya pang iniiwan, kung sino pang nog-nog s'ya pang laging luhaan... only Binay, only... Binay."

"Ma'am sasapakin ko na 'to! Di ba 'yan 'yung pinagpalit ka sa mas bata at mayaman?" sabi ni Robin habang pinipigilan ni Anne. "Easy ka lang, Robin. Let's hear what he has to say." nagmamakaawang sabi ni Anne.

"Meron akong alam na pwede nating taguan habang nagkalat pa ang zombies sa Manila. Maraming pagkain, may tubig, at higit sa lahat may wi-fi." pagpapaliwanag ni Binay. Lumaki ang mata ni Anne sa salitang "wi-fi". "Eh, saan naman po 'yan?" tanong ni Anne.

"Nako iha, d'yan lang sa may madilim na eskinita. Sa daang madilim." sabi ni Binay habang nagpapa-cute kay Anne. "Nako, ayoko d'yan - gusto ko sa daang matuwid, doon sa balwarte ng kapamilya ko na sina Korina at Mar." sagot naman ni Anne.

Maya-maya pa ay may isang grupo na naman ng zombies ang papalapit sa amin. Kailangan na naming magdesisyon kung saan kami pupunta. Sa daang matuwid ba o sa daang madilim. Biglang may nag-megaphone mula sa taas ng pulang building.

Anne, Binay, Miriam, Robin, and Duterte
(photobomber sa taas ng pulang building na so clean, so good)
"Dito na lang kayo sa building na 'to, within 3 to 6 hours ubusin ko ang mga zombies na 'yan makita n'yo." Lalong nalito si Miriam sa matamis na pangako ni Rudy. "Ma'am kailangan na natin magdesisyon!" paalala ni Robin kay Miriam dahil medyo papalapit na sa amin ang zombies. Pero bago pa man magsalita si Miriam, isang itim na montero ang biglang huminto sa harapan namin. Nagulat kami lahat ng bumukas ang pinto. Si Grace Poe - ang anak ng haring action star!

Nakapang combat uniform si Grace at may pulang tali sa ulo na parang super ready na to rumble. "Sakay na kayo! Doon tayo sa daang hari - DALI!"

(to be continued...)

No comments:

Post a Comment