Pilot epsiode starts on May 9. 2016 sa PTV 4 |
So boto ka kay Duterte? Gusto mo bang mabalik ang martial law? 'Yung kung sino lang ang trip n'yang patayin papatayin na lang ng walang due process? Death squad pa more!
O baka naman si Binay gusto mo? Hello! Laki daw sa hirap pero ang dami palang lupain. Kulang na lang pati alagang pet dog patakbuhin sa politika kasi dynasty na talaga sila sa gobyerno.
Si Mar Roxas na lang kaya? Nagpapatawa ka ba? Sobrang pampam na kung ano-ano pinaggagawa mapansin lang. Desperado moves. Klaruhin n'ya kaya muna 'yung issue n'ya sa Tacloban, di ba?
Eh di si Miriam na lang? Kung si Miriam ang pipiliin mo, you might as well pick 'yung pinaka OK na vice president dahil sa estado n'ya ngayon, talagang mahihirapan s'yang mamuno ng bansa.
Ok fine! Grace Poe na lang. Really? Di ko nga alam paano nasabing tunay na pilipino 'yan, eh. 'Dun pa lang dapat di na s'ya qualified di ba? Isa pa, napakaliit pa lang ng experience n'ya to lead us.
Boycott na lang! Wala palang OK na option, eh. Well, kundi ka boboto, mas mabuti pang tumahimik ka na lang din kung ano man ang kakahinatnan ng Pilipinas after election. Nag abstain ka 'di ba?
In short, kahit ano pa ang piliin natin, sigurado namang may masasabi ang tao. Ang hirap sa atin we don't know how to agree to disagree. Meaning, 'yung tipong magkasundo na lang na magkaiba talaga ang pananaw natin sa isa't isa. No hard feelings kung baga. 'Di 'yung komut ayoko sa option mo sandamakmak na bitterness na ang ipapaulan mo sa'kin. Respeto lang.
So kung sino man ang bet mo this election at feel mong ipangampanya s'ya sa facebook, by all means, sige lang. Facebook mo 'yan, eh. Pwede ka naman i-unfriend ng mga taong di matanggap na iba ang pananaw mo sa kanila. Just the same, nasa sa iyo 'yan kung papatulan mo ang mga mapanghusgang comments na matatanggap mo sa posts mo. So bewarned.
Pero ang payo ko lang sa mga di makatiis na mag-react d'yan, please lang, maging open minded naman tayo (POWER!). Huwag naman i-bash ang kahit sinong iba ang outlook sa atin. Sa halip na pagbuklodin tayo ng national event na ito eh lalo pa tayo nagkakawatak-watak. Ihawalay natin ang personal sa political. I know, partly personal ang pulitika since apektado nito ang mga pamilya natin pero what I mean is pilitin nating pumili sa tamang merits.
Para sa'yo ang laban na 'to (wooh hoo woohh ho) |
Then the controversy happened. Ayan na! Parang nagkaroon ng world war 3 sa social media. Syempre galit na galit ang LGBT community and some open minded (POWER!) friends natin. Nag apologize naman si Manny pero di convinced ang LGBT community kasi nga pinipilit pa rin ni Manny 'yung bible lines sa Leviticus. Ayan na nga, parang civil war -- Team Manny ka ba o Team LGBT? Well, regardless, this issue definitely boosted Manny's votes. Yup, all of a sudden hindi na issue 'yung capacity n'ya to be a senator. What matters is 'yung naging stand n'ya sa issue.
So kapag may pro Manny na nagtanong sa'kin:
Do you agree with this? No.
Can we agree to disagree? Of course, YES. *apir*
Then aakbayan namin ang isa't isa at sabay maglakakad patungo sa bukang liwayway habang umaawit ng "Sana'y pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo.. la la la la".
No comments:
Post a Comment