Tuesday, March 29, 2016

Ronscreens: Hele sa Hiwagang Hapis

Sino ba namang di matatakam sa ganyang pamagat?
Pamagat pa lang talagang kikilitiin na ang imahinasyon mo, di ba? Hele sa Hiwaga ng Hapis (A Lullaby to the Sorrowful Mystery) is the latest movie from the unorthodox director Lav Diaz. It won the Silver Bear: Alfred Bauer Prize at the 2016 Berlinale bago pa man ito ipinalabas sa bansa na 'tin, which sadly, is becoming the trend nowadays. Mauuna munang ma-recognize ang isang pelikulang pinoy elsewhere bago pa mapansin ng mga pinoy.

Anyway, this is my first Lav film so I will review this film mula sa mata ng isang manonood na freshman sa Lav Diaz 101. I heard about the man's reputation sa pagiging experimental so let's see kung kaya ko bang sakyan ang Lav Bus *wink*.


Nabanggit ko bang mahigit walong oras ang Hele? Yes. Dapat handa ka kapag nag-decide kang panoorin ang pelikulang ito. Wala ka dapat appointments, wala kang schedule na labada, basta wala ka dapat ibang commitments dahil you will literally spend your whole day sa loob ng sinehan. Paglabas mo ng sinehan siguradong madilim na labas.

Physically prepared ka rin dapat dahil ang tinatawag nilang #HeleChallenge is actually more of pwet challenge. Not sure kung ilang breaks meron ang ibang cinemas pero sa SM Bacoor iisa lang ang break (aside sa personal CR breaks syempre), so that's your only time to stretch, eat, at pakiramdam ang pwet mo kung may pakiramdam pa sa pagkakaupo. Dito ko din nagamit ang pagiging turbo-eater ko dahil 15 minutes lang ang break!

Langhap Tsalap (Gone in 60 seconds)!
Anyway, how was the movie? Is it worth your time? Is it worth your money? Keep in mind na mas mahal ang bayad sa Hele since (obviously) mas mahaba s'ya sa isang usual full-length movie. I paid 410 pesos for the ticket and considering the film's length - di na masama! 

Iilan lang kami sa sinehan. More or less 20 heads. Halo halo ang viewers. I can safely assume na lahat kami ay nandoon not only to support the dying pinoy breed of exceptional pinoy flicks but also out of curiosity. Hindi araw araw taon-taon makakapanood ka sa sinehan ng 8 oras na pelikula, di ba? So on with the review.

PROS

It's a film about us. Umikot ang Hele sa maseselan at minsan ay fantastic na topics. Pero ang topics na ito lahat ay tungkol sa pagiging Pilipino. May pagka fiction ang datingan ng pagsanib n'ya sa mga karakter ng El Filibusterismo, mga rebolusyonaryo, Philippine folk lore sa isang dimension. Fantastic nga kung iisipin pero they all blended well in one timeline. Nakakaaliw at nakakatuwang i-explore kung gaano kayaman ang kultura at ang kasysayang pinoy.

Ang tinde ng OST. Hanggang sa oras ng pagsusulat ko ng post na ito ay pilit ko pa ring hinahanap kung ano ang pamagat ng kantang narinig ko sa Hele. Kinanta ito ni Ely Buendia in a form of a harana na di ko alam kung original composition ba n'ya o isa itong lumang folk song. Pero isa lang ang masasabi ko, mapa orig o instrumental version ng kantang 'yon - sobrang sarap sa tenga. Sana may makapagsabi sa akin ano ang title 'non. May reward na 10,000 thank you's.

Ang taga-hele sa hiwagang hapis - Hele Buendia
Malulupet na mga artista. Wala akong masabi sa mga artistang gumanap sa pelikulang ito. Kung baga sa NBA, silang lahat ay de-kalibre na players. Parehas na mahusay sina Piolo at John Lloyd sa pagganap. Sila ang semi-bida since sila ang pinaka sikat pero that doesn't mean na ang iba ay hindi nag step-up. Ang mga gumanap na tikbalang ay may kanya-kanyang "charm", ganon din ang apat na manlalakbay sa bundok Buntis. Minsan pakiramdam ko nanonood ako ng teatro. Sa kung paano sila gumalaw at lalong lalo na sa pagbitiw nila ng mga dialogue. Purong pinoy talaga!

Heavy Exchanges. May mga pukulan ng dialogues sa Hele na talaga namang mapapanganga ka sa ganda ng flow. I am a sucker for beautifully written conversational dialogues kaya na-appreciate ko talaga ang mga moments ng Hele na meron nito. Favorite exchange ko ay sa pagitan nina Simoun at ng Kapitan Heneral. Pangalawa naman ay ang pag-uusap nina Basilio at Isagani. May ilang moments din na naaliw ako sa usapan ng mga Bundok Buntis "search party" vs the Tikbalangs.

Artsy. Masining. Ano pa ba ang expected sa mga ganitong uri ng pelikula? Sigurado may mga movie treatment na mapapakamot ulo ka o kaya kukunot noo mo dahil di mo magets what just happened. Pero just the same, pwedeng sa second viewing or bago ka matulog that night, you will realize what that certain "artsy" scene was all about. 'Yung sa akin dumating while I was taking a shower. Sa gitna ng pagsha-shampoo nasabi ko na lang "Ahhh syet, 'yun pala 'yon!". Sabay banlaw.

Ganda ng sceneries. Not sure kung saan shinoot ang Hele pero the location was one Hele-of-a-place *wink*. Ganda ng beach! Ang ganda ng bundok at pati gubat. Napakadaling kumuha ng shots kung ganito kaganda ang location mo. Maiintindihan mo talaga kung bakit humaba ang pelikulang ito eh, makatarungan lang kasing i-capture sa film ang mga ganitong klaseng ganda ng kalikasan. Ano pa ba'ng gaganda sa fusion ng kasaysayan at kalikasan? Misis ko? (BOOOM!)

Moments. Sa haba ng pelikulang ito, may mga ilang moments na tatatak talaga sa memory mo. Merong suspense, comedy, at point blank WTF moments. Maaaring may dull moments ang Hele pero kapag pinatikim ka n'ya ng isang malupit na eksena, you will surely wait for the next one. Patiently or not so patiently.

That being said, heto naman ang cons.

CONS

This is not for everyone. Hindi lahat ng tao ay magugustuhan ang Hele. Ganon lang kasimple. Lalo na kung nag eexpect ka ng usual na takbuhan ng pelikula, nako, you entered the wrong movie house. To begin with, ang haba nito ay hindi biro. Kailangan talaga ng pasensya sa pag digest ng bawat eksena. So bago ka magyaya ng isasama dito, siguraduhin mo munang walang sisihan dahil walang refund sa sinehan komut hindi na-tripan.

Napakahaba ng pelikula. Sa personal kong evaluation, napakaraming eksena sa Hele na parang "fillers" ang datingan. Unnecessary scenes na sa palagay ko ay pwede namang ibawas sa pelikula without affecting its core essence. Baka nga pwedeng ma-trim sa kalahati o mas mababa pa ang haba ng Hele kung magtatabas ng mga ganitong klase ng scenes. Pero that's just me, sa mga nabasa kong reviews kasi abot langit ang papuri sa Hele so baka naman para sa iyo sakto lang ang 8 oras o baka bitin ka pa. Sa bagay may film nga si Lav na 10 oras ang haba.

On the wings of Lav
Coherency. As I said sa pros, merong mga WTF moments sa Hele. 'Yung mga eksenang parang di connect sa flow ng nangyayari. Iisipin mong editing mistake ba s'ya? Pero sino ba naman ako para mag-isip ng ganyan. Tulad nga ng sinabi ko kanina, ako ay freshman pa lamang sa Lav 101 so baka di ko pa kayang maarok 'yung style n'ya minsan. May times kasi na may sense of incoherence sa mga eksena kaya naman as a viewer, medyo nakakalito. Well, expected naman siguro 'yan sa mga ganitong experimental movies, pero I can say na this movie has been a challenge to tolerate considering its length pa.

Dragging. Bago pumasok ng sinehan medyo expected ko na 'to, eh, Walong oras ba naman. Pero siguro may parte pa din ng utak ko na umaasang para sana s'yang Godfather trilogy na non-stop, o kaya LOTR trilogy. Imagine that. 8 hours of epic greatness. Pero "greatness" is relative. But I wouldn't call my 8-hour experience accelerating that's for sure. Maraming babad shots ang Hele. Sample, a character walks from point A to point B. Nakababad lang ang camera hanggang umabot s'ya doon sa point B regardless kung gaano pa ito kalayo. Ganon din sa ibang scenes like sa paghuhukay ni Basilio or paglalakad nina Gregoria sa kagubatan. Again in my mind nagtatanong ako: Kailangan ba 'to?

Piolo as Simoun Garfunkel
USOK! Mapapansin mo sa bawat eksena lalo na kapag outdoors - USOK shots everywhere! Sa umpisa tolerable pa at artsy pa nga ang effect eh, lalo na pag night shots. Pero sa haba ng pelikula ganon pala talaga ang gagawin nila palagi. Not sure kung fog effect ba 'yon o sadyang kailangan 'non dahil black and white ang movie. Naisip ko na rin na baka naman usok s'ya from fumigation dahil sigurado akong ang daming lamok sa gubat scenes nila. If that's the case, I rest my case, he he.

At nasabi ko na ba'ng ang haba ng pelikula? Sorry talaga, I just felt na kaya talaga itong gawing usual length movie for easier digestion. Parang di justified. Pero again, that's just me. Nanghihinayang lang ako na pwede sanang mas malalapit sa isa't isa 'yung high points ng pelikula para less dragging. Maybe this is how Lav wanted the movie to be, sabi nga ng isa sa cast na si Bernardo Bernardo:

"Ang unang-unang masasabi ko, you learn that you don't watch a Lav Diaz film. You experience a Lav Diaz film"

That being said, naging mas malinaw ang lahat. In the end it's the experience - the journey kung baga not the destination. Eh kung experience lang naman ang pag uusapan, this movie definitely delivers. Napakalikot ng palikulang ito. Malikot in the sense marami kang maiisip in the course of watching this film. 

So is it worth your money? Yes. Technically 4 na 2 hour films 'yan na pinagsama sa isa - sulit na 'di ba? Is it worth your time? Honestly, masyadong mahaba ang 8 hours for me at least for this movie. They could have shortened it a bit o siguro siniguradong walang nasasayang na moments sa pelikula. Then again, that's my opinion lang naman. Lastly, is it worth watching? For me, after all what's been said here - I'd still say YES!

Bakit kamo? Unang una, di ko masisiguradong mapapanood mo pa ito kapag pinalampas mo pa ang chance na 'to ngayon. Hindi ito mainstream movie na maaasahan mong madodownload mo kung saan saan lang. I didn't say na panget ang pelikula - sinabi ko lang masyadong mahaba, so maganda pa rin s'ya for me. At higit sa lahat, it was definitely an experience. Parang napakain mo 'yung natitirang artistic side mo ng buffet at unli-rice. Sa simpleng suporta mong ganito mabubuhay ang mga ganitong klaseng palikula na matapang na sumasalungat sa agos ng mainsteam bullshit pinoy films. Kung gusto natin ng mga may kwentang pelikulang Pilipino, suportahan natin ang Hele. Besides, it didn't win an award ng out of wala lang di ba? Kaya give Lav a chance *wink*. 


No comments:

Post a Comment