Monday, March 21, 2016

Ang Idol sa Cebu Pilipinas Debates 2016

Binay, Duterte, Poe, and Roxas
Napanood n'yo na ba ang presidential debate kahapon? Grabe. Kudos sa TV5 for hosting this event na talaga namang intense! Kung di mo pa napapanood, here's a link with TV5 pre-debate discussion. After mo manapood, balik ka dito sa post na 'to para makilala mo ang tunay na IDOL sa debateng ito.



As expected, lahat ng kandidato palaban. Talagang di papayag di masapawan. May time ngang akala ko sasapakin na ni Grace Poe si Binay, eh. Si Duterte naman at Mar parang mga torpeng manliligaw kung magpahaging sa isa't isa. Pero sa napanood ko kagabi, kanino ba talaga ako humanga ng todo?

Good job ang TV5 for me in covering this event. Better than GMA7 in my opinion. In fairness naman sa GMA7, syempre sila nauna so obviously TV5 took notes and they had the chance to improve on things. Things like haba ng allotted time para makapagsalita ang bawat kandidato and for their rebuttals.

Luchi: Okay guys, no hitting below the belt, okay?
Hands down din ako kay Luchi Cruz Valdez sa pagiging host ng debate. Ibang klase din ang composure ng babaeng ito! For a moment nakalimutan ko ngang vice president ang sinasaway n'yang maglabas ng notes. 'Eto din naman kasing si Duterte hinamon pang doon magpirmahan ng waiver ayon tuloy lalong nataranta si Binay, he he.

Pero TV5 ba ang tunay na idol? Nope.

Mapunta tayo sa mga nagdedebate. Alam mo 'yung La Tomatina festival sa Spain? 'Yung pukulan ng kamatis? Ganon. Parang ganon ang pukulan nila ng baho sa isa't isa. Sa umpisa may sense of respect pa sila sa isa't isa eh. Kamayan, kampihan, ngitian, pero 'nang nagsimula ng manira 'yung isa ayun na - royal rumble na.

La Tomatina de Putik sa Poilitika
Sa umpisa nakakaawa si Binay aaminin ko. Parang na-bully, eh. Lubog na lubog na sa putikan (no pun intended). Medyo mahirap din kasi lusutan 'yung mga allegations sa kanya. Pero at least nasabihan s'ya ni Duterte na MAS qualified s'ya to be president. Di ko tuloy alam kung nang uuto na lang 'tong si mayor eh, he he. Inspite the barrage of haymakers na binitawan kay Binay ng mga co-presedentiables n'ya, swabe pa din n'yang natapos ang debate sa pamamagitan ng isang walk out. Yup. Binay just walked out of the stage right after the debate. Last in - first out lang ang peg, Now, that's GANGSTAH.

So si Binay ba ang tunay na idol? Nope.

The Ex Mayor and the Exterminator Mayor
Mainit din ang naging sagutan nina mayor Duterte at Mar Roxas. Ikaw ba naman sabihan na pretentious (for Mar) o di kaya may mabibiling droga (for Duterte) sa city mo, eh - riot nga 'yan! Duterte said na ang isang presidente dapat marunong pumatay at di takot pumatay. Wow. Medyo mabigat i-digest pero knowing mayor - I am not surprised. 'Yung mga sagot ni mayor minsan serious minsan may halong comedy. Okay na din masyado kasing seryoso 'yung iba. Maybe he's just being consistent and real na talagang he means business pag s'ya ang nanalo. Is he a risk we are willing to take to achieve peace and order? Tough times, tough decisions indeed.

Is Duterte the real idol? Nope.

Habang nanonood kami ng debate may sinabi ang pinsan kong binata na di ko makakalimutan.

"Ang hot ni Grace Poe, no?"

Sigurado akong di pa s'ya lasing 'non dahil kalahati pa lang nababawas sa iniinom naming brandy. Well, 'hot' is a strong word pero I agree naman na she's a pretty face for a president (if ever). Pansin ko lang sa kanya, the way she talks, parang politician na politician talaga. Not sure if that's good thing or not pero siguro dahil sawa na lang ako sa trapo speeches. Pero kahit s'ya ang pinaka baguhan sa mga kandidato, di talaga s'ya umatras sa mga banat nina Mar at Binay. I can sense na she was about to lose it pero she kept her composure. "Grace" under fire talaga.

So s'ya ba ang tunay na idol? Nope.

Mar: Parang mas maganda ka kay Korina
Grace: WEH, di nga?!
Si Mar yata ang pinakatirador sa grupo. Lahat ng nasa stage talagang meron s'yang baong pampukol. Ramdam mo talaga sa kanya 'yung eagerness n'yang manalo at maituloy ang daang matuwid. Ang dami n'yang alam na stats and like Grace Poe, parang traditional politician din magsalita. Parang lagi bang nangangampanya. Binay's a bit like that pero madalas kasing no comment s'ya eh o kaya maiigsi ang reactions. Pero ang pinakamatinding match-up eh 'nung napagusapan na 'yung kung paano mapipigilan ni mayor ang krimen in 6 months - ayun na! Nagkapalitan na ng mala Bicol express na salita ang dalawa. Kiber na sa kung kaninong turn na ba talaga.

Si Mar ba ang tunay na idol. Nope.

So sino nga ba ang tunay na idol sa gitna ng gyera ng mga maaanghang pukpukan ng mga debaters? Ang tunay na idol ay walang iba kundi.. ang sign language interpreters. 

Halatang gigil na din si kuya interpreter sa mga kaganapan
Halos magkanda buhol buhol na ang mga kamay nila tuwing magsasagutan at magsasalita ng sabay ang mga kandidato. Paano nila 'yon naiinterpret ng maayos? Kahit yata steno hindi kayang makahabol sa dami ng exchanges na nagaganap sa stage. SILA ang tunay na idol.

No comments:

Post a Comment