Isa sa main contributors ng eyebags ko ay ang bagong TV series na ito - Stranger Things. Kakatapos lang ng season 1 nito at talaga namang lahat ay abangers sa second season. Bakit kamo? Well, there's no better way to explain it than to see it for yourself. And believe me, it deserves the hype it is getting.
Lahat ng nasabihan kong manood ng Stranger Things ay instantly naging fan ng series na 'to. Kung may networking lang ako, malamang ang dami ko nang downline. Paano ba naman kasi, it appeals to all - sa bata, teens, matanda, mahilig sa fiction, sa aliens, sa suspense, sa horror, comedy, geek stuff, love story, mystery, action, at higit sa lahat - friendship.
Without spoiling anything big, simple lang naman ang story ng Stranger Things. It's about this strange thing that happened sa isang maliit na town. This strange thing that happened is, well, let's say supernatural. From there, nagsimula na ang adventure ng mga bida nating bulilit. Ang cool ng setting kasi ginawa nilang parang old school 80's ang atmosphere ng show.
You'll love these kids! |
Walong episodes lang ang Stranger Things and available na sila lahat ngayon for viewing. Kayang-kaya s'yang i-marathon since an episode just lasts 40 minutes or so. I watched its first episode bago matulog 'non para antukin pero I ended up finishing the whole season in one go. Di ako inantok sa buong duration ng marathon ko dahil every ending ng episode ay sobrang bitin! Gusto na ng mata at katawan kong humimlay at magpahinga pero my brain and emotions are still craving for more. Dahil spoiled ang utak at damdamin ko - ayun, ako'y nagpaalipin sa kanilang nais. Grabe, it was all worth it naman.
So kung naghahanap ka ng mapapanood this weekend or may mahaba kang flight somewhere, consider watching Stranger Things at siguradong di ka magsisisi.
No comments:
Post a Comment