Where is Ronski? |
Posible nga ba'ng magkapangalan ang isang tao? I mean kasama ang first, middle, and last name? Posible siguro kung generic ang kahit isa sa mga 'yan. Pero paano kung unique naman? Isama pa natin ang ilang info ng applicant like address, edad, and birthday? Eh 'yung picture ng aplikante? Siguro naman napakamalas ko naman kung kamukha ko pa 'yung kapangalan ko.
Ending kasi 'nung application ko is kailangan ko ulit bumalik doon after one week. Yup, even with all this computerization ek ek talagang first name and last name lang siguro ang basis nila para masabing clear/unclear ang record ko. Bitter lang siguro ako since ang tagal ko nakatunganga sa pila full of hope na the suffering will end soon WITH a positive ending.
Second time ko 'to mag online application. Swabe 'yung una 2 years ago though sa Las Pinas naman ang pick-up point that time. Needless to say, disappointed ako sa pangalawang application this time naman sa SM Dasmarinas. Buti pa nga 'yung mano-manong renewal dati parang mabilis pa.
I wonder if the "rush" option could have given me a different result. Yes, mismong moderator doon eh pwedeng lapitan para sa "rush option". 250 pesos lang eh no need to fall in line. Si moderator na ang bahala sa'yo. Ilang minuto lang eh - BOOM! May clearance ka na! Oh well, I am hopeful na sana masampal ng kamay na bakal ni Duterte ang branch na ito soon. Nakakainis lang isipin na ang serbisyong deserve ng tao ay kailangan pang bayaran ng extra. Hay nako, sana napicturan ko 'yung empleyadong 'yon kundi lang low-batt na'ko (even literally) at saktong pang soundtrip na lang sa pila ang battery life ng cellphone ko.
Maiba naman tayo. On the lighter side naman - good news! After ilang taon ng mahimbing na pagkaka-lockdown, muli ko na namang nasilayan ang kagandahan ng SSS online details ko. Indeed, change has come. Dalawang taon na 'kong nabubwiset sa SSS website dahil forever lock yung login ko. Nag request na ko ng password retrieval, nag e-mail sa SSS, nakipagkulitan sa SSS forums, at bumisita sa SSS social media pero wala pa din nangyari.
Naisip ko na din mag-alay ng dalagang birhen at kumatay ng manok para gamitin pang-orasyon mapagana lang angg online SSS ko. Pero buti na lang ngayong umaga - BOOM! Biglang gumana na ng maayos ang website. Mukhang nakuha na ng SSS ang memo ni Duterte, he he.
Bilang pang-wakas, message ko naman sa katukayo ko somewhere out there. Good job! Biruin mo 'yon parehas talaga tayo ng pangalan? Ano kayang kaso mo? Well regardless, kung nasa madilim na landas ka pa din, sana magbago ka na. Ako napapahamak sa kagaguhan mo, eh!
No comments:
Post a Comment