Alam na this |
Parang sa dami ng enkwentro eh parang iisa lang ang kwento. Nang-agaw ng baril, nakipagpalitan ng putukan, at kung ano-ano pang version ang kwento pero iisa ang tema - nanlaban. Dahil sa kahina-hinalang patayan, di maiwasan na medyo umalma ang ilang netizens. Iisa ang tanong nila. Nasaan ang due process? Hindi ba extra-judicial killing ang nangyayari?
In all fairness kay Duterte, napaka-ambitious ng kanyang balak sa bansa. Bago pa s'ya mahalal, malinaw na malinaw na gigil na gigil s'ya sa pagsugpo sa droga. Anim na buwan na ultimatum para makamit ang ultimate peace and order? Sure! Sino ba'ng ayaw 'non? Pero naaalala kong sabi din n'ya na dadaan naman daw lahat sa due process. Okay. So does that apply now sa mga nagaganap na patayan? We must all understand na napakadelikadong banggain ang industriya ng droga at para gawin ito ni Duterte ay halos parang suicide mission na din sa kanya. Who could've done the same sa mga previous leaders natin, anyway?
Dahil sa complication at sensitive ng mundo ng drugs, undoubtedly, marami talagang masasagasaan at mga tatamaang matataas na tao. 'Yung mga dating "untouchables" ay medyo nakaramdam ng ngatog for the first time in their lives. Sa sistemang ginawa ni Duterte, from small time pushers to big time drug lords - lahat ngayon panic mode. Sila-sila mismo ang nagtuturuan. Kumbaga unahan na lang. 'Yung small time pushers nagtuturo na ng mga suppliers nila at 'yung mga drug lords naman inuunahan ng "patahimikin" ang mga taong posibleng magturo sa kanila. First come, first served.
I believe some of the killings are related to this. Di mapagkakailang may mga pulis na involved in between these dealers and pushers. Ngayon, bago pa sila madamay, malamang inuunahan na nilang burahin sa mundo ang mga "threats" sa kanila. 'Yung mga taong posibleng magturo sa involvement nila. Mga taong nasa laylayan sa lipunan ng droga - small time pushers and users na din. Dito na pumapasok ang anomaly. Di kaya ang ibang "enkwentro" ay wash-out? Come to think of it, bakit hindi na lang hulihin ang suspects? Suspects pa lang naman di ba? Clearly, ang iniiwasan nila is 'yung makapagsalita pa sila - makapagturo ng iba pang involved. Thus - the "nanlaban" system.
Vigilante starter kit: Placard and pentel pen |
Admittedly, things are really looking good naman in general sa administration ni Duterte. People are just worried na parang walang ligtas sa ganitong klase ng "cleansing". Sabi nga nila, you will never understand how it feels hangga't wala kang kaibigan o kamag-anak na nadamay sa questionable killings na 'to. I am super supportive of what Duterte is doing, 'yung mga galamay lang n'ya siguro ang gumagaw ng "sneaky" moves para mailigtas ang mga sarili nila. Eventually, with this power given to the police, kapag ginamit sa masama - sobrang nakakatakot din talaga. Kaya dapat ngayon pa lang itama na ang mali bago pa sa katagalan maging tama ang mali.
I will leave you all with this episode of Duty, Devotion, and Service na may emphasis sa ating "nanlaban" theme. Enjoy!
No comments:
Post a Comment