Thursday, July 7, 2016

Top 10 Kaplastikan sa Diet Signs

Suuuuuuure!
Kasama sa katotohanang bilog ang mundo ay ang katotohanang napakahirap mag-diet. Kung ikaw ay walang problema sa timbang at forever slim, sexy, or macho - good for you! Pero mawalang galang na lang at baka pwedeng lumayas-layas ka muna dyan dahil hindi ka welcome sa post na 'to (bitter ocampo mode). Dahil itong post na 'to ay naka-focus sa mga kasama natin sa pakikibaka - pakikibaka patungo sa payat na bukas!

The struggle is real sabi nga nila. Totoo 'to lalo na at sanay tayo sa spoiled nating appetite at lifestyle. Kakainin natin ang gusto natin at sobrang pasakit ang pageexercise, Ito ang masakit na realidad pero pilit nating pinanlalabanan. Walang bibigay! Walang susuko! Pero teka lang, kailan nga ba parang pinaplastik mo na lang ang sarili mo sa ilusyon ng pagda-diet?

1. Kumakain ka nga ng brown, black, at red rice - pero unli naman. Dahil first love mo ang white rice, hindi mo basta-basta ito kayang iwanan. Kaya naman pinalitan mo ito ng ibang kulay - brown, black, red, at kung ano-ano pang kulay knowing na ang ibang shade ng rice eh mas healthy at hindi nakakataba. Fine. Okay na sana eh, kung hindi lang sana parang nasa Mang Inasal ka naman kung lumamon ng kanin. Unlimited! Ganon din, eh.

2. Madalas kang mag-google about diet pero nauuwi lagi sa buffet promos. Ito ang scenario. Buong-buo ang determinasyon mong mag-search sa internet ng perfect way to lose weight. Pero sa kung anong kadahilanan, laging napupunta ang search mo lagi sa Deal Grocer, Ensogo, at kung ano-ano pang group buying sites para makahanap ng promo. Mas masaklap nito, kakahanap mo ng deals online, ayan - napadpad ka na naman sa food section. Buffet section. BOOM! Add to cart.

3. Wala ka ng hard feelings sa numerong nakikita mo sa weighing scale. Kung dati ay parang kinukurot ang puso mo tuwing nakikita mo ang timbang mo sa weighing scale - ngayon ay masaya mo ng kinukurot ang bilbil mo sa harap ng salamin. You are beginning to have this special bond sa elementong nakayakap around sa bewang mo. Hindi mo na s'ya kinakahiya bagkus ay pinagtatanggol mo na s'ya sa mga taong umaalipusta sa kanya. Mabuhay ang mga BFF (Bilbil Friend Forever)!

4. Marupok ka sa tukso ng umaalulong mong bituka kahit madaling araw na. Spoiled na spoiled sa'yo ang iyong demanding na bituka. Everytime na nagugutm ito, konting kulo lang - tumatakbo na agad ang utak mo sa kung ano ang masarap kainin. Craving galore agad! At may kabastusan pa ang walang modong bitukang ito minsan. Kahit sa alanganing oras ng gabi o madaling araw, madalas itong magpapansin at hihingi ng fuds. Para ka namang zombie na alipin lamang sa utos ng iyong bituka. Maghahanap ng makakain sa ref o magluluto ng instant noodles masunod lamang ang utos ni master intestine.

5. Di mo na matandaan kailan mo huling nasuot ang running shoes mo. May time na talagang nag-invest ka para sa tamang running shoes na akma sa paa mo. Okay lang kahit may kamahalan ang presyo basta ba't magiging kaagapay mo ito sa iyong oplan: balik alindog. Fast forward ng ilang weeks. Aba! Pwedeng-pwede mo pang maibenta sa eBay ang running shoes mo dahil parang halos di naman nagamit. Papasa pa talaga under slighly used category.


6. Interesado ka sa Tae-bo, Crossfit, etc. - ganon lang, interesado lang. Alam mo na ang mga activities na dapat mong gawin para pumayat. Nandyang may DVD ka ng Tae-bo, Zumba, at kung ano-ano pang exercise videos pero ilang beses mo lang ba sila nagamit? Interesado ka sa mga pampapayat activities tulad ng yoga pero mas trip mo lang humilata at manood ng videos sa YouTube related sa mga activities na 'to. Good job!

7. Convinced kang mas okay ang itsura mo ngayon compared sa payat days mo. Well, this maybe true. Malay naman natin kung mas bagay talaga sa'yo ang chubby kesa slim, 'di ba? If this is the case, well, congrats! Wala na palang dahilan para pumayat. 'Eto na 'yung moment na napaniwala mo na ang sarili mo na this is the best version of yourself - as if not long ago halos magpakamatay ka na sa page-exercise just to trim down. Sa bagay nandyan na 'yan. Love your own na lang.

8. Pabawas ng pabawas na ang mga pictures na pino-post mo sa facebook. Alam mong nasa acceptance stage ka na talaga kung nagiging mas madalang pa sa patak ng snow sa Pinas ang pagpo-post mo ng pictures sa Facebook. Hirap na hirap ka na kasi makakita ng picture na maganda ang anggulo mo. Tuloy, madalas puro share ng videos, throwback pictures, news articles, blog entries na lang ang laman ng newsfeed mo. Teka, parang ako 'yun ah!

9. Naging sabitan na lang ng hanger at damit ang treadmill mo. Another big investment ay 'yung pagbili mo ng treadmill, remember? Oo nga naman, no need to actually go outside to jog - pwedeng pwede na sa loob ng bahay. Fast forward tayo ng isang buwan. Nagmistulang clothesline ang mga handles ng treadmill mo sa dami ng nakasabit na hanger dito, On the bright side, naging mag-tandem ngayon ang pagpa-plansta at pagte-treadmill. Who could have thought?

10. Nagsisimula mo nang ipamigay ang mga damit na di na kasya sa'yo. Naaalala mo 'yung mga paborito mong damit at pantalon? Ilang beses na ba'ng sinuggest ng nanay mo na ipamigay na ang mga 'yon kasi nga di naman na kasya sa'yo. Nakakasikip lang sa aparador. Pero matibay ang iyong paninindigan na darating pa din ang araw na masusuot mo pa din sila balang araw. 'Eto na, napapansin mong unti-unti mo ng dinisispatsa ang mga ito. A slight sign na itinataas mo na ang banderang puti at pagyakap sa katotohanang hindi na sila kailanman magkakasya sa'yo. #hugot

No comments:

Post a Comment