Movie: 2 out of 5 - Abs: 6 out of 5 |
Needless to say, this post will have mild spoilers. Pero pipilitin kong huwag maging detalyado for those who still want to give this movie a shot. Hopefully this will help you decide kung willing mo i-risk ang pera mo to watch this movie sa sinehan, moreover sa IMAX, or just save money and just by yourself Jolly meals. Let's go!
The movie starts strong actually. Potential material. Pero after the action-packed intro, matagal tagal na ulit bibilis ang pintig ng puso mo. Medyo dragging at pangit ang choices of scenes ng pelikula. Napakaganda sana ng mga anggulo na pwede nilang gamitin sa fresh approach nila sa Tarzan pero they opted to choose incoherent scenes na parang minsan wala naman kinalaman sa main story.
Hands down, the casting for Tarzan is on point. In tagalog, pasok sa banga. Sa trailer na napanood ko dati, hindi masyado binababad ang mukha ng bida. May mysterious effect. It worked kasi worth it naman 'yung naging itsura 'nung bida. When I say itsura, I mean kuhang-kuha ang mukha at syempre ang tumataginting na abs n Tarzan. Kung may bentahe ang pelikulang ito, ito ay ang swabeng physique ni Alexander Skarsgard. Dito pa lang bawi na ang mga babae at bading na movie goers.
The other characters for me did a so-so job. Disente pero nothng special. Unlike the casting for Tarzan, the rest of the characters are pretty replaceable. Pwede sila palitan ng ibang artista and the roles will be the same - or baka improved pa nga. Ang role ni Samuel Jackson is simply for comic relief. Typical sidekick. Rene Requestas ni Joey de Leon - ganern. Sa buong pelikula, sa kanya ako pinakabilib dahil kayang-kaya n'yang makipagsabayan kay Tarzan sa kagubatan. Ang mga natutunan ni Tarzan habang lumaki sa kagubatan ay nakayang gawin ni Samuel Jackson sa loob lang ng isang araw - on the spot! You'll understand when you watch the film. Suspension of disbelief - fail.
Mas okay pa silang Tarzan at Jane, eh *wink* |
The story, well, sabi nga ni Manilyn Reynes - sayang na sayang. Ang ganda sana ng pwede nilang gawin sa pelikula pero pinili nilang maglagay ng mga eksenang walang katuturan at mapapakamot ulo ka talaga kung anong sense. More running time? Maybe. Pero ni wala ngang dalawang oras ang pelikulang ito. Hay, mas maganda pa 'yung isang Tarzan na pelikulang napanood ko sa Betamax noon eh. Sulit ang bawat sandali, LOL.
In the end, if you're just after visuals, effects, and abs - go for this movie. Marami n'yan dito. Pero other than those, I'd say skip this movie and just save it for some McSaver meals.
No comments:
Post a Comment