Wednesday, August 10, 2016

Pokemon Go Go Go!

Ang daming daga sa SM, tsk.
At dumating na nga ang panahon na pinakahihintay ng mga pinoy. Nope, hindi ang paglaya ni Gloria Macapagal Arroyo at lalong hindi ang approval ng paglibing kay Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani. So ano nga ba ang kapanapanabik na pangyayaring ito? Lumanding na rin sa Pilipinas ang Pokemon Go. Palakpakan!

Actually ilang araw na ding naging available sa pinas ang worldwide phenomenal game na ito kaya naman huwag nang magtaka kung namumutakte ng Pokemon Go pictures ang Facebook timeline mo. Grabe talaga ang kabaliwang pinakawaan ng larong ito na galing yata sa kaibuturan ng impyerno sa dami ng nahuhumaling. At bakit hindi? This game appeals to everyone! Kahit sa mga ngayon lang nakarinig ng salitang pokemon eh patok na patok ang larong ito.

Yes po, hindi kailangang maging pamilyar sa pokemon para maglaro ng Pokemon Go. Bonus na lang 'yon kung kilala mo sina Ash, Pikachu, o Team Rocket. Alam mo naman ang ibang pinoy, basta hype train - sasakay 'yan! Kesihodang wala silang kaalam-alam sa hype na 'yan basta lang masabing "in" at nasa uso. Well, lahat naman welcome sa Pokemon Go sa wapakels na lang kung ano pa man ang background mo sa pokemon.

Simple lang magaro ng pokemon. Simple in the sense na wala masyadong technical instructions na dapat intindihin. Ganito lang - hanap, lakad, DEAL! Ang deal sa Pokemon Go ay maka-capture ka ng mga pokemon na nagkalat kung saan-saan na makikita mo naman sa phone mo. Para s'yang virtual treasure map na guide mo para alam mo kung saan dapat pumunta. Exciting di ba? Naglalaro ka na - medyo naeexercise ka pa dahil this game promotes walking.

Kanya-kanyang payabangan ngayon sa mga nahuli nilang pokemon. For me, this game really awakens the collector in you. Sa tingin ko 'yun 'yung bentahe ng game na 'to, eh - 'yung paggising n'ya sa completionist instict ng tao - our natural fascination sa pangongolekta. Dagdag na lang na cute (and sometimes not) ang mga kinokolekta mo this time. As of this moment meron akong 146 pokemons at wala akong balak pang tumigil sa pagkolekta.

Cavite siesta vs BGC fiesta!
Kung nakatira ka sa lugar namin sa Cavite isang malaking goodluck ang ipinaabot ko sa'yo dahil parang pinagkaitan yata ng Pokemon Go ang area namin. Sobrang walang aktibidades ng pokemon at maaagnas na lang ang phone mo kakaantay na may dumalaw man lang kahit Rattata. Pero kung anong tumal ng pokemon sa Cavite ay ganon naman ka-fiesta ang pokemon activity sa BGC. Saktong napapalibutan pa ng poke-stops ang opisina namin kaya naman nagbubunyi ang mga kaopisina kong alipin na din ng Pokemon Go.



So Paano? Enjoy na lang sa pagkolekta ng pokemon. Tingin-tingin lang din sa dinadaanan baka naman Pokemon Go pa maging mitsa ng buhay mo. Huwag din masyado kampante sa paglalabas ng telepono sa kung saan-saan baka sa halip na pokemon ma-capture mo eh 'yang telepono mo ang ma-capture sa'yo ng snatcher. Finally, huwag ubusin ang oras kakahabol sa mga pokemon na 'yan - hindi ka na mag-eevolve kung laging ganyan!

No comments:

Post a Comment