True love waits... |
"Ang pag-ibig ko sa'yo ay parang si Macoy... 'di maaagnas."
Tulad ng issue ng pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani, ang 'love quote' na ito galing kay Coach Macky ay harsh... pero totoo. Dahil sa issue na 'to nahahati na naman ang mga pinoy. Ang dating patay na issue ng pagpapalibing kay Marcos ('yung senior ha!) sa libingan ng mga bayani ay parang zombie na muli na namang nabuhay at ngayon nga ay putok na putok na naman sa news at social media. Why not? National heroes day next week so talagang napapanahon lang pag-usapan.
Di naman mapagkakailang naging madilim ang ilang parte ng rehimeng Marcos noon. Aware ako about this hindi dahil ganon na'ko katanda ha, well-informed lang ako, he he. Anyway, may iba pa ngang nagsasabing ang mga extra judicial killings na nangyayari ngayon sa administrasyon ni Duterte ay pwedeng ikumpara sa mga 'salvage days' noong martial law. Might be true, pero let's leave the topic of extra judicial killings for another day. Point is - bakit daw kailangan ipalibing si Marcos sa libingan ng mga bayani kung kinokonsiderang 'impyerno' ang martial law era n'ya?
Need a rest? Tara na sa hottest resting place in town! |
In the end, ano nga ba ang magandang naidulot nitong debate na 'to? Bukod sa naging curious ang mga millenials sa ano nga ba talaga ang nangyare dati at galit na galit ang mga pinoy kay Macoy, parang talagang nag-cause lang s'ya ng walang humpay na debate at away. In my opinion, regardless sa outcome, parang halos wala na din akong pake eh, mas may impact sa akin 'yung repercussion 'nung issue. I mean, ikakaunlad ba ng Pilipinas kung mailibing 'don si Macoy o hinde? Mawawala ba ang trapik? Makakakain ba 'yung mga walang makain? I believe there are more pressing issues at hand lalo na sa crucial period na ito ng administrasyong Duterte. Kaya kesa magsapakan lahat ng masyadong involved regarding sa issue na 'yan, chillax lang tayo mga parekoy. Either way kasi, kahit ano pa maging desisyon ng supreme court about this issue, sigurado namang may magagalit, di ba? There's no way of making everyone happy - lahat laging may masasabi ('di ba Digong?).
With that, iiwanan ko kayo ng isang kantang iniaalay ko sa supreme court dahil kahit ano pang maging desisiyon nila - there's no easy way to break somebody's heart. Advanced Happy National Heroes day to all!
No comments:
Post a Comment