Tuesday, August 30, 2016

Pikachu: How To Be Mine Po?

Di po totoong kapatid s'ya ni Kim Chu
Kadalasang tanong ng mga Pokemon Go hunters at huntress ay kung paano ba mahuhuli ang mailap na pokemong si Pikachu. Sa mga di nakakaalam, si Pikachu ang pinakasikat na pokemon sa animated series na Pokemon. S'ya kasi ang paboritong alaga ng bidang si Ash. So medyo weird lang na napakahirap n'yang matyempuhan pero s'ya nga ang pinakasikat.

Apparently, may 100% technique para makakita ng Pikachu kahit nasaang lupalop ka pa ng mundo. Duda ako dati sa strategy na 'to pero since nasubukan ko na s'ya - I can assure you na totoo nga ang alamat kung paano makakita ng Pikachu. Madali lang s'ya gawin, pero masakit sa damdamin - well, depende na lang sa level mo. Para mas maintintindihan mo ang ibig ko sabihin, 'eto ang instructions:

1. Gumawa ng bagong account sa Pokemon. Mabigat ang requirement na 'to kasi kung mataas na ang level mo. hindi mo na magagawa ang technique na 'to. And when I say 'mataas' - I mean lampas ka na sa tutorial part ng game. Kaya tulad ng sinabi ko -- masakit s'ya sa damdamin, so timbangin mo na lang ano mas mahalaga sa'yo, si Pikachu ba o ang mga existing pokemons mo. Pwede ka naman gumawa ng new account using a different email kung gusto mo - it's all up to you.


2. During the tutorial, isnabin ang tatlong pokemon options. Sa simula ng tutorial, papipiliin ka sa tatlong pokemons. Sina Squirtle, Charmander, at Barbasaur. Huwag ka ma-excite agad dedmahin lang ang tatlong cute pokemons na 'to. Kahit anong pa-cute ang gawin nila, huwag na huwag kang bibigay!

3. Lumayo sa tatlong pokemons. It's not enough na isnabin ang tatlong pokemons na ito, dapat eh layuan mo sila. Don't worry, susunod naman sila sa'yo kahit saan ka pa pumunta. For some reason kaya nilang mag-teleport. Do this 4-5 times at bigla ka na lang magugulat na eventually ay may pang-apat na pokemon na silang kasama - no other than Pikachu!

Ganun lang! Swerte mo kung ngayon ka pa lang magsisimulang sumali sa Pokemon craze kasi makakakuha ka kaagad ng Pikachu sa simula. Di ko din alam bakit ang ilap ng Pikachu sa totoong buhay pero at least with this technique, pwede ka ng makahuli ng Pikachu!

No comments:

Post a Comment