Saturday, August 27, 2016

Deniece Cornejo - Ambassador of Goodwill?!?

Saludo kami sa'yo Ambassador!
Naaalala n'yo 'yung babaeng dinalhan ng 'fuds' ni Vhong Navarro sa condo? 'Yung may on-going na kaso ngayon tungkol 'dun kasama si Cedric Lee? Yup, si Deniece Cornejo. At di kayo namamalik-mata - talagang tinalaga s'yang ambassador of goodwill for the youth.

Alas tres ng madalinga araw, kakauwi ko lang ng bahay galing trabaho at ganitong balita pa talaga ang bubungad sa'kin. Tsk. Di ako mapakali kaya nagsaliksik pa ako na mabuti. Isa lang ba itong typo? Isang hoax? Pero galing ang balita sa ABS-CBN mismo. Sa isip ko, nabaliw na yata talaga si Duterte at bakit sa babaeng ito pa naisipang ibigay ang posisyong 'yon.

'Eto 'yung link 'nung balita sa ABS-CBN.

#kundipasavideoakalakolegit

Ayun naman pala! Kung di dahil sa video aakalain mong may sanction ng gobyerno ang assignment na ito. Isang international NGO group lang naman pala ang kumuha kay Deniece para maging ambassador of goodwill. Para akong nabunutan ng tinik. As for the NGO group, they are called the Royal House of Baloi. 'Eto 'yung website nila.

www.royalhouseofbaloi.com

Click More > Press = BOOM! Fuds.
Kayo na lang manghusga kung ano sa tingin n'yo 'tong NGO group na 'to. Ewan ko lang ha, pero medyo weird lang yata ang taste nila sa pagkuha ng ambassador... lalo pa at ng goodwill. Of all personalities talagang s'ya pa eh no? Oh well, kanya-kanyang trip lang 'yan. 'Eto namang si Deniece feel na feel ang 'honor' na binigay sa kanya. Honor nga ba o horror? Makakain na nga lang ng fuds.

No comments:

Post a Comment