Thursday, August 28, 2014

Syempre Kitty si Hello Kitty! Hellooo!

pusakabatalaga?
Walang humpay na posts about kay Hello Kitty ang bumuhos sa Facebook newsfeed ko mula umaga hanggang sa mga oras na sinusulat ko 'to. Sobrang nagimbal ang world wide web dahil sa revelation na si Hello Kitty daw ay hindi pusa. Yup, trip lang n'yang maglagay ng "Kitty" sa pangalan n'ya at magkaroon ng ulo na may whiskers.

Nakakatawang isipin na sa dinami dami ng issue na gumagambala sa ating society, aside sa ALS ice bucket challenge, 'eto pa ang isang issue na talaga namang hot item sa mga netizens. Pero bakit nga naman hinde? Pag nagkataon si Hello Kitty na ang pinakamalupet na troll sa lahat. Nakuha n'yang mapaniwalang pusa s'ya kahit na hindi naman pala. Pero ano nga ba talaga?

Una ko pa lang nabasa ang report na 'yan sobrang duda na ako. Parang ang labo yata 'nun. Feeling ko nagti-trip lang 'yung article. Pero pagdating ng tanghali - BOOM! Parang bulkang sumabog ang balita at ayun, lahat nagre-react na! Pati si Snoopy napasabing s'ya daw aso talaga. Si Snoop Dogg kaya? Anyway, in short - di ako ganon ka-convinced pa rin na hindi pusa si Hello Kitty.

And I am not wrong.

Kanina lang may article na akong nabasa na nagko-correct sa sitwasyon. Finally a bright light na nagsasabing isang kalokohanng isiping si Hello Kitty ay hindi kitty. Here's the article.

http://kotaku.com/dont-be-silly-hello-kitty-is-a-cat-1627820750/+brianashcraft

We can now all sleep in peace.

No comments:

Post a Comment