Tuesday, August 12, 2014

Basag Alkansya Scammer

So nakatanggap na naman ako ng isang text mula sa mundo ng mga halimaw. Isang scam text. As usual nagpapa-load na naman ang loko. Kesyo nakaaway ang amo at kailangan ng emergency load. Naisipan kong subukan kung gaano katatag ang scammer na 'to para lang makapanloko.

Ito ang unang eksena.


Gusto ko pa sanang pansinin 'yung huli n'yang hirit na "Mis u?" pero dedma na lang baka makahalata pang nagdududa ako. So sinagot ko na lang s'ya ng reply na naguumapaw sa concern (yes, with double question marks para mas concern ang dating).


Grabe ang sitwasyon n'ya no? Tsk, nakakaawa. Pero papatalo ba naman ako sa dramahan? So tinapatan ko din ng makabagbagdamdaming reply ang text n'ya. Tingnan natin kung makonsensya. By the way, ang saya lang na napangalanan ko pa ang cast of characters (Mr. Cheng and Mang Satur), ha ha!


Akala ko effective 'yung paawa effect ko kasi from 300, naging 150 na lang 'yung hinihinging load. Pero 'nung binanatan ko pa ng mas madramang alkansya angle, ABA! Wala talagang puso ang hinayupak at talagang pinapabasag pa 'yung alkansya. Dito ko na naisipang mag-reveal... in a magical way.


At least kahit na badtrip ako sa kanya, mabait pa rin sa kanya si Mang Satur. 

No comments:

Post a Comment