The Walking Dead circa 2014 |
This post could actually contain spoilers so kung di mo pa napapanood ang latest episode - nood na! You won't regret it.
During the The Walking Dead and Game of Thrones hiatus, napakadami kong series na sinubukan. Nandyan ang The Strain, Silicon Valley, Z Nation, Extant,
The episode started in a BANG! Well, pwedeng literally pero what I mean is, ang lupet ng first 10 minutes ng episode! 'Yun 'yung na-miss ko eh, 'yung tension sa ere at saka 'yung helplessness ng mga bida. I was hoping may madededs sa mga bida pero c'mon - first episode deds agad? Well, why not? Pero then again, hayaan natin na 'yung director mag-decide n'yan for us. Naalala ko tuloy 'yung sigaw ng fans na "Kill Darryl, We Riot" - wow.
Maraming patay pero walang patay na sandali ang episode. Meron ding drama at flashbacks. You can tell na talagang maganda ang execution ng episode na 'to dahil balanse. Bawat characters may moment and syempre just like that - the Terminus arc ended (or not?).
Since nasimulan na nila ang ganitong pacing, sana naman ituloy tuloy na nila. Napanood ko kasi 'yung teaser for the next episode and it looked like a new story arc unfolds. Sana lang 'di 'to parang anime filler na maganda nga pero wala naman kinalaman sa actual plot ng story. Sana they make every episode count. At sana ulit, last na, 'di lang ako pinatakam ng The Walking Dead just to disappoint me again sa mga susunod na episodes. You don't do that to me... again.
Let's see if they continue with more awesome episodes. As for me, I'll be watching closely... weekly.
No comments:
Post a Comment