Tuesday, October 21, 2014

Picture of the Day: The C5 Electrifying Overpass of Death!

Engineering level 99 
Ito na yata ang pinakamalupet na overpass na nadaanan ko sa buong buhay ko kasi may halong buwis buhay ang pagdaan dito. Bakit? Ayun, may nakatagos lang naman ng kable ng kuryente sa hagdanan. Di lang basta kordon - kulumpon ng matatabang kurdon ng kuryente na tatawagin na lang nating Giant Electric Cables of Death!

Bravo sa sino mang nakaisip ng konseptong ito na obvious namang Takeshi's Castle inspired. Mas masaya siguro 'to tuwing umuulan no?

Hindi kaya sinadya ito para magkaroon ng division ang pababa at pataas ng overpass? Para talagang walang mangangahas na makagulo sa hati ng pila, ayun, ginawang kable ng kuryente ang mismong division. Syet, henyo.

Genius.
Harakiri Overpass
By the way this overpass is located sa kanto ng C5 and Green Meadows. Give it a visit and experience the C5 Electrifying Overpass of Death!

No comments:

Post a Comment