Friday, October 17, 2014

H&M Camping 2014

Hatinggabi at Magdamag
So magbubukas daw sa Megamall ang H&M this Friday (Oct. 17) and guess what - ang unang customer ay magwawagi ng tumataginting na 6k worth na gift certificate (GC) plus Wil cologne and CD. The following 200 shoppers will win GC's din pero between 200 pesos - 5k na lang. Still, para sa ating shopaholics, isa itong kumikinang na gantimpala at the end of the H&M rainbow.

Naisip ko tuloy, yare 'to sa mga aggressive shoppers. Malamang madaling araw pa lang may nakapila na sa Megamall para makamit ang pangarap na jackpot na 6k GC. OA pa predictions ko 'nun kasi alam naman natin na ang mall nagbubukas ng between 9am - 10am pa 'di ba? Pero nainsulto ko yata ang kakayanan ng ating mga pinoy shoppers dahil according sa nabasa ko, mahigit isang daang tao na ang nakapila for the opening as early 3pm ng Huwebes!

Wow. Ibang klase talaga! Well, 'di naman bago ang mga ganitong overnight pila para sa isang malupet na event. Nagulat lang ako na pati pala sa ngalan ng GC eh kayang mag-camping mode ng pinoy. Di ko alam ano presyuhan ng mga tinda sa H&M pero gaano na ba kadaming damit ang mabibili ng 6k GC just in case? Kung high end ang store na 'to I doubt it will be a lot. Just the same, free is free! Eh kung wala naman silang gagawing mas mahalaga from Thursday 'til Friday morning - eh di pumila na para sa GC.

Taken form JVenM
Usually sa ganyang mga instances parang ang jologs ng dating 'di ba? Overnight pila? Uhaw sa freebies? Eeewww! Pero that's not the case dito sa H&M overnight pila na ito. As a matter of fact, it is a fashion statement na din. Parang ang sosyal pa din ng datingan kahit overnight ka ng nakapila. Lalo na siguro 'yung pinakauna sa pila - kiber na kung walang ligo o tulog sigurado namang by the time bumukas na ang pinto ng store para s'yang nakatawid sa ribbon ng 100k meter dash at sabay aabutan ng GC. If I were her/him I'd still make myself presentable dahil siguradong kakalat ang mukha n'ya sa networking sites after this. Advance congratulations... pwede ka ng maligo.

Sabi nga nila walang basagan ng trip. Kanya-kanyang prefrence lang 'yan at kung 'yan ang happiness nila. Sabi nga ng vice president ng classroom kapag nagwalk-out na ang class president - Guys, respeto naman please. Para naman sa mga hahabol, well, alalahanin n'yo na ang mga nauna ng sumukat sa mga damit d'yan eh mga pwedeng wala pang mga tulog at ligo - BOOM! Di bale for the love of *hashtag* HMPhilippines naman 'yan so kebs - wooooohhhhhh!!!

No comments:

Post a Comment