|
Just 2 cartwheels away from our place. And a split. |
Sa wakas! Kanina lang ay binuksan na ng Robinsons Place Las Pinas ang kanilang entrance sa madlang people. Matagal tagal na rin naming inaabangan ang opening ng mall na 'to na abot tanaw lang namin ang construction from our room's window. Parang kailan lang bakanteng lote lang ang lugar na 'yon pero ngayon isa na s'yang jumbohalang mall!
Never pa ako nakapunta sa grand opening ng isang mall so excited ako kanina to be a part of its history. Yes, isa ako sa mga officially na mag dede-virginize sa Robinsons Place Las Pinas and it feels so good.
As expected, pagdating namin sa mall (na 10 minutes away lang yata sa bahay) sobrang dami na ng tao ang nag-aabang sa labas ng mall. Aside sa excited sila maexperience ang unang dampi ng airconditioning ng mall, may mga pumunta din dahil may mga artistang darating sa grand opening. Darating sina Elmo Magalona, Paulo Avelino, Maja Salvador,
Ronel Taruc, at kung sino sino pang celebrities.
|
Syet si Paulo Bediones Avelino! |
Grabe ang eksena 'nung binuksan na ang entrance. Parang pinagsamang eksena sa Ozone disco at Pagoda tragedy. Talagang mababakas sa mukha ng mga guards na wala na silang magagawa sa dagsa ng tao - feeling ko pinasa-Diyos na lang nila ang lahat. Let go let God lang ang peg.
|
Excuse me, is this the line for Wowowee? |
Matapos maka-survive sa dagat-dagatang tao sa entrance, nakapasok din kami eventually sa loob ng mall. Well, nothing unusual pero just the same - masarap pa din ang feeling na ma-ocular inspection ang mall na sa tingin ko ay magiging suki kami from here on. Akala ko wala pa masyadong magiging laman ang mall pero parang halos kumpleto na 'yung mga stores sa loob. Mukhang madami pang mga kainan na di pa naman nasusubukan - humanda kayo sa'min, he he.
We then scored a good deal sa Brooklyn's Pizza for it's opening day promo. Buy something worth 500 and you get a free pizza PLUS if you're among their first 30 customers meron ka pang free buffalo wings! Pang-ilang customer kami? Unang una lang naman so in short, kami ang buena mano ng Brooklyn Pizza Las Pinas branch. I am sure bubwenasin ang branch na 'yan all because of sa mga malulupet n'yang mga bwena mano today.
|
A slice of pizza a day keeps the wife okay |
BONUS! Tumambay pa malapit sa amin ang pasimuno ng Robinsons Malls - si
ninong John Gokongwei lang naman. Gusto ko sanang lumapit para magmano pero busy ako sa pagkain, eh.
|
NINOOOOOONG! |
After a while biglang umingay ang paligid. Isa lang ang ibig sabihin nito, it's either may nakakilala na sa akin o dumating na sa stage ang mga tunay na artista. And it's the latter. Kitang kita naman sa kuha ko kung gaano ako kalapit sa paghataw ni Maja Salvador sa stage. Sooobrang lapit talaga. Sa sobrang lapit nakatodo zoom na cellphone ko sa pagkuha habang nakataas ang kamay sa crowd na parang kamay na nilalamon ng dagat.
|
Si Maja 'yan - hindi lang halata sa layo. |
Well, that's how I spent my day 1 sa newly opened Robinsons Place mall - rak en rol!
No comments:
Post a Comment