Tuesday, September 23, 2014

The Walking Dead is Coming! Meh...

So I might be wrong all along...
I was an avid The Walking Dead fan. Well, malaking emphasis sa "was" - in short, medyo wala na din akong pake. Don't get me wrong, once upon a time isa akong masugid na manonood ng series na 'to. One of the main reason kaya excited ako every Monday dahil may bagong labas na episode na naman sila. Pero season after season parang nagde-decline ang excitement ko.

And here we are, season 5 is just around the corner.

Sinubukan kong halungkatin ang rason kung bakit ano nawalan ng gana sa The Walking Dead. Ano ba nagbago? Pero siguro nga tulad ng gasggas na linya ng break-up "It's not you - it's me..."

Kung tutuusin wala naman masyado nagbago sa plot ng The Walking Dead. As a matter of fact marami na ngang namaalam at naintroduce na mga bagong characters. The zombies are still there pero mas focus nila so far is 'yung human conflicts and struggles. Which is good din naman. Kaumay din naman na puro brainless zombies ang nasa eksena 'di ba? Pero baka dahil dito medyo nagkaroon na din ng "sawa" factor kaya?

Okay, konting spoilers - BEWARNED!

Personally, the umay factor started 'nung nalaman ko na pwede pa lang maging zombie ang kahit sino after mamatay. Yup. Regardless kung makagat ka o hinde ng zombie - zombie ka na after death. Pero okay lang din naman 'yun. In fact, I continued watching the rest of the seasons after that.

Dumating din 'yung seasons na umikot 'yung story sa Terminus at saka sa prison. Ayan, medyo piling pili na lang yung episodes na na-tripan ko. May mga episodes na as in kulang na lang makatulog ako. Sige sampol.

'Nung time na nagkahiwa-hiwalay sila, remember? 'Yung episode ni Darryl saka ni Beth, pfft, walang bearing 'yung episode! Oo may moments, pero namaaaaan - 'yun na 'yon? Pero dahil sadista ako, tinuloy ko pa rin ang pagtangkilik sa mga sumunod pang episodes. I am trying to to give it a chance pero wala talaga, eh. Mas madami ng misses kesa hits for me.

I even bumped into this graph online. It exactly described my feelings towards the show.

Mismo.
Another factor is 'yung pagsulpot pa ng ibang TV series. Nandyan ang Breaking Bad and Game of Thrones. Ayun! Lalong tumaas ang standards ng story telling sa TV. Lalong natabunan ang The Walking Dead sa bawat escalating episodes ng Breaking Bad and Game of Thrones. Well, except 'dun sa Breaking Bad episode na may langaw sa loob ng lab - what the fudge is that all about?!

Meron pang dumating na bagong series titled The Strained. Vampires naman ang kalaban at contagious din sila so more or less same premise na din ng Walking Dead. Big difference is, at least dito, na-explain paano kumalat ang vampires - how it all started kumbaga.

Lastly, sinong di masasapawan ng Be Careful With my Heart? Kahit magsanib pwersa pa lahat ng TV series sa US at pati na rin sa planet earth, WALANG makakatalo sa tambalang Jodi at Sir Chief na naaaaapakahusay umarte. By the way, sino nakakaalam kung ilang DVD's na meron ang series na 'to? Nasa 1000 na ba? Habang nasa ere ang show na 'to WALANG kahit anong palabas ang pwedeng makatapat nito. WALAAAA!

Anyway back to reality, alam ko naman na kahit ano pa sabihin ko about sa The Walking Dead sigurado naman akong papanoorin ko pa rin ang season 5 n'yan, eh. Sasabihin ng utak ko na out of curiousity lang pero huwag ka - matatapos pa din ang buong season. Well, I guess what doesn't kill you make you a zombie stronger.

No comments:

Post a Comment