|
Hintayin mo kakampi mo kung ayaw mo ng gulo |
Ah, gaming memories. Noong rare pa magkaroon ng gaming console at di pa uso ang hi-tech gaming devices. 'Yung mga taong unti-unti ka pa lang namumulat sa mahiwagang mundo ng electronic entertainment. I am sure lahat tayo nagdaan sa phase na 'yan kaya let's do a rundown ng mga nakakatuwang gaming memories noong tayo ay bata pa.
Ang lahat ng nasa top 10 na 'to ay isang sukatan na nasulit mo nga ang iyong childhood gaming days. I should know, lahat 'to ay napagdaanan ko din, he he. Come on, press the start button!
1. Makipag-away sa kakampi sa Battle City at Contra
|
The ultimate tes of friendship |
Sabi nga nila, maraming pagkakaibigan ang nawasak dahil sa larong ito. Kahit best friend mo pa 'yan o kapatid, once na nakuha n'ya ang star o ang 1-up na para sa'yo - ahh, ibang usapan na 'yan! May time din na tatamaan ka ng kakampi mo sa kainitan ng labanan which will cause your tank to pause, nako away 'yan. At ano pa nga ba ang pinakamalupet na ganti sa lahat kapag punong-puno ka na? BOOM! Pasabugin ang sariling base, ha ha! Ganyan din halos ang tema sa Contra. Dito naman, aside sa pagiging bawakaw ng kakampi mo sa magagandang klase ng baril, pwede ding maging mitsa ng pagkakaibigan n'yo ang pag-iwan mo sa kanya sa mapa. 'Yung tipong masyado kang nauuna sa kakampi mo kaya 'yun ang magiging cause ng pagkamatay n'ya. Lastly, no-no din ang masyadong pagkuha ng buhay sa kakampi when you die unless marami pa s'yang lives. Do these at malamang may magsuntukan sa gitna ng laro.
2. Gumawa ng sariling race track sa Excite Bike
|
Magandang hulmahan ng imahinasyon at pagiging sadista |
Pwede din naman mag edit ng sariling stage sa Battle City or sa Lode Runner pero iba pa rin talaga 'yung pag ikaw mismo gumawa ng race track para sa Excite Bike. Heto na kasi ang chance mong pakawalan ang creative at sadistic imagination mo! Dito mo pwedeng pahirapan ang kawawang mga motorcycle racers para lang makaraos sa mala-Takeshi's Castle mong race track.
3. Save file dilemma
|
Where's your God now? |
Unlike ngayon na sobrang secure at convenient na mag save ng game progress, dati pahirapan talaga sa pag aalaga ng save file. Ilang beses na ba akong naubusan ng memory space at kailangang mag desisyon kung alin sa mga beloved save files ko ang kailangan kong isakripisyo. Not only that, may mga instances din na aksidente mong mabubura or ma-ooverwrite ang pinakaiingat-ingatan mong save file, Worse, may time pang para ka lang ginago ng laro at biglang corrupted ang save file mo. Iiyak ka na lang talaga sa ilalim ng ulan pag ganon.
4. Di magets ng parents mo ang konsepto ng save point
|
No ribbon - no save file |
Speaking of save files, naexperience n'yo na bang mautusan habang naglalaro ng game na sobrang bihira ang save points? Mga games na may specific spots lang para makapag save kaya naman di pwedeng basta basta ihinto ang paglalaro? Lalo na kapag limited lang ang saves na pwede mong gawin. Madalas mangyari is aakalain ng nanay mo na mas inuuna mo pa ang laro kesa sa pagsunod sa utos when in actuality, desperado ka na ngang makahanap ng save point para lang makaalis ka na. Lalo na kapag gabi na, uutusan ka ng matulog ng nanay mo dahil may pasok pa bukas PERO wala ka pang makitang save point - sige try mo mag explain. Good luck.
5. Mag rolyo ng kable ng controller
|
First world problem? Third world solution! |
Ayaw gumana ng controller mo? Simple, iikot ang kable ng controller sa pinaka-katawan ng controller mismo. Ayaw pa din gumana? Irolyo ulit ang kable pero this time sa kabilang direction naman. Third world solution na hanggang ngayon ay marami pa rin ang gumagawa - effective kasi.
6. Umihip ng di mabasang game cartridge
|
"Blow on the cartridge to fix bugs" |
Ayaw gumanang game cartridge? Another third world solution, bugahan lamang ang game (bala) at muling isalpak sa game console. Pinaka sikat ang ganitong technique sa panahon ng Family Computer. Pero sa kung anong kadahilanan na di maipalawanag ng siyensya - this method of cleaning does the job most of the time. What sorcery is this?
7. Sumama ang katawan sa unang talon sa Mario
|
Yay! 5000! |
Wala akong pakelam kung ikaw na ang pinakamalupet na gamer sa buong mundo. Natapos mo na lahat ng games sa PC, Xbox, Playstation, at sa kung ano ano pang consoles. Isa lang ang sigurado ako. Sigurado akong sa unang talon mo sa Super Mario sa world 1-1 - napasama ang katawan mo sa direksyon ng talon ni Mario. Aminin mo! Lalo na sa mga stages na may malalaking gap kang dapat talunan. Not to mention the infamous jump para lang maabot ang tuktok ng flag sa bawat ending ng stage. Whether you're a veteran player or not, I am sure sa unang beses mong nalaro ang Mario naexperience mo 'to.
8. Magsulat ng save codes
|
Before Pacquiao... there was Little Mac |
Di na 'to uso ngayon kasi nga meron na tayong ways para makapag save ng game progress. Pero noong mga panahong wala pang memory cards, talagang mano mano ang pagsusulat ng codes para lang makapag save ng progress. Games like Punch Out and Rock Man (Mega Man) use this system. At noong bago bago pa ang super sikat na Super Contra 30 lives cheat - ayun, nakasulat din ang code na 'yan sa bawat notebook ng bawat pinoy gamer students. Of course ngayon kahit nakapikit ka pa at habang tulog kabisado mo na ang code na 'yan by heart (and soul).
9. Makapaglaro ng 1000 games in one
|
Mamatay kang di mo pa nalalaro lahat ng games dito |
I am sure nakalaro na na ng 3 in 1 o kaya 5 in 1 na game. Pero ang makalaro ng 500 games (or more) in one ay isang dream come true sa isang batang gamer noong Family Computer era! Biruin mo 'yun - paano mo malalaro ang ganun kadaming laro? Kahit maglaro ka ng isang game bawat araw kulang pa din ang isang taon para madaanan mo ang bawat game. Well, of course that's before you actually discover ang madilim na lihim ng mga ganitong too good to be true na game. Una, 3/4 yata 'nung game doon ay walang kwenta. Minsan broken ang game mechanics, minsan japanese pa ang text. Pangalawa, 3/4 pa ulit ng natira is puro duplicates lang naman. Dyan ka makakalaro ng Contra A, Contra B, hanggang Contra Z yata meron. Same thing na din sa Mario. Super Mario Land, Super Mario Princess, Adventure Mario, at kung ano ano pang walang sense na variation ng Mario. Ayun, 'yung 1000 in one is actually 10 in one lang talaga in reality.
10. Matakot sa mga screen na 'to
Playstation players know this. Pagsalpak ng game sa console and you see these? Nightmare.
|
Nooo... |
|
NOOOOOOOOOO!!! |
BONUS: Gumawa ng sariling player
|
The true meaning of IMBA |
Kung nakapaglaro ka ng NBA Live dati sa Playstation, you will have the chance na gumawa ng sarili mong player. Dahil nga bago ang ganitong feature noon, todo customize naman kami ng kapatid ko sa paggawa ng sarili naming roster sa NBA. Nandyan na lahat ng stats is 99 at super sa tangkad at lahat na lang yata ng biyaya ng isang perpektong basketball player nasa kanya na. Sa una nakakalibang pero sa kalaunan, mabubuwiset ka na din kalabanin ang mga created players na 'to. Nandyang pupukol ng ng bola sa dulo ng court at papasok pa din sa kabilang basket. Halos wala ng makasabay sa drive n'ya at never mo maaagawan. In other words, just like other games na pwede iexploit ang player creation, masaya lang silang kakampi pero bad trip kalaban.
battle city! my one en onli!
ReplyDelete