Friday, September 26, 2014

Be Careful With My Heart Ending

Matatapos na?? NOOOOOO!!!
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako o talagang totoo 'yung nabasa ko sa newsfeed ng facebook ko. Almost two months from now (Nov. 28) - matatapos na ang akala nating imortal at walang kamatayang teleseryeng Be Careful With My Heart.

HUWAAAATT?!! Chineck ko pa ulit 'yung source ng news.

http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/09/25/14/be-careful-my-heart-ending

Hmm, seems legit. So isa pa and this time sabay- sabay at mas may feeings. HUWAAATTT??!!!

Parang kailan akala ko lilipas ang ilan pang dekada at henerasyon na mananatili ang show na 'to sa ere. Nagkamali pala ako. Well, kung totoo 'to, I somewhat commend ABS-CBN for not juicing the life out of this teleserye. Okay na s'ya to end as is - huwag na nating paabutin 'yung storya sa love story ng mga magiging apo pa ni Maya.

In connection to this, naaalala ko tuloy 'yung My Husband's Lover sa channel 7. Parang ganyan din 'yun, grabe ang dami ng nahumaling sa tambalang Dennis at Tom. Though hindi ako isa sa mga fans na 'yun - I know for a fact na kada episode nito ay talaga namang naaaapakadaming apektado. Again, saksi ang Facebook newsfeed ko dito. Ang mali lang ng channel 7 is masyado nilang pinatagal ang story. Dahil nga sayang ang viewers, sobrang pinahaba pa nila ang teleserye hanggang sa medyo nawalan na ng sens e at coherence 'yung story. Ayun, ang pangit ng kinalabasan. Sayang it could have ended gracefully.

Mabalik tayo sa Be Careful With My Heart. Wow. Madami daming episode na din ang nagawa nito from July 2012 up to present. 'Yung ibang characters nga parang 'dun na inabutan ng puberty. Well, sana nga matuloy na ang ending sa Nov. 28, kasi it's still too early to celebrate  tell. Baka mamaya humirit pa 'yan ng  "due to insistent public demand, extended po ang Be Careful blah blah..."

Patay tayo d'yan. Suntukan na pag ganon.

No comments:

Post a Comment