Thursday, September 29, 2016

Ate, Ate.. Anyare? (Chapter 6: Paalam, Ma'am Miriam)

The People Power Puff Girls
Napakasamang balita ang bumungad sa akin ngayong umaga. Iniwan na tayo ng isa sa pinakamatalinong politician na kilala ko. Indeed, she could have been the best president that we will never have. Pesteng cancer 'yan! Sana makahanap na ng gamot laban sa sakit na 'yan. Sigh. Anyway, I dedicate this chapter to Miriam Defensor Santiago. Mahaba pa sana ang papel n'ya sa ating istorya pero mukhang 'di na 'yon matutuloy. As the song goes, sayang na sayang talaga.

Ang ganda na ng build up natin sa character n'ya lalo na sa last chapter. Parang sakto nga ang mga pangyayari actually. Well, you can read the past chapter through the link below. You will surely be missed ma'am Miriam.

Ang Nakaraan

Ngayon, ang pagpapatuloy ng kwento.

CHAPTER 5: Paalam, Ma'am Miriam

Nagkalat ang mga pugot na zombies sa kalsada. Sa kalagitnaan ng gabundok na double dead na zombies ay ang People Power Puff Girls na sina Grace Poe, Leni Robredo, at Miriam Defensor Santiago. Hingal na hingal ang tatlo dahil para silang mga halaman sa Plants vs Zombies sa dami ng waves ng zombies na pinatumba nila.

"We did it, girls. Good work." pahingal na sambit ni Miriam. Napaupo ito sa pagod habang hawak hawak ang brasong may sugat. 

"Kaya mo pa ba, Miriam?" paalalay na tanong ni Grace. Tumango lang si Miriam habang nakangiti. "Huwag n'yo akong intindihin, I fought wars far more dangerous than this. I'm happy I got to use my time well. Time well spent indeed."

"Grace, buhatin na natin si Miriam papunta sa pulang building. Mukhang may next wave na naman ng zombies na padating." Sabi ni Leni na naka look-out pa din sa paligid. Dali-daling tumayo si Miriam na halatang matindi ang iniindang sakit. "No need to help me up, kaya ko' to! Let's go, girls!"

Sinimulan na ngang lumakad ng tatlo. Dahan-dahan lang para hindi maka-attract ng attention. Less noise, much better. Kasi nga sabi nila, buti pa ang zombie - good listener (#hugot). Tulak-tulak nina Leni at Miriam ang kariton ng armas, habang si Grace naman hawak pa din ang katana n'yang matalim pa din kahit ang dami ng nakatuhog na isaw at laman-loob ng zombies. Biglang sa di inaasahang pangyayari, natumba ang kariton ng armas ni Leni! 

"Hala!" napasigaw si Leni sa nangyari. Tuluyang nagsibagsakan ang mga anik-anik na armas ni Leni. The noise was enough to catch the zombies' attention. At tulad ng inaasahan, nagsimula ng tumakbo sa direksyon nila ang wave ng zombies. "Takbooo!" sigaw ni Miriam.

Wave Tsunami of zombies are coming!
Hindi lang normal na wave ang zombies na padating - isa itong tsunami! Napakadaming zombies ang tumatakbo papunta kina Miriam, Grace, at Leni. Alam nilang di nila kakayanin ang batch na 'to kaya sinumulan na nilang tumakbo papunta sa pulang building. Buti na lang hindi lang sa eleksyon magaling tumakbo ang ating mga bida - kaya ayon, umabot naman sila sa pulang building ng di oras. But wait, nasaan si Miriam?

Apparently, sina Grace at Leni lang ang umabot sa pulang building. "Nasaan si Miriam!?" histerikal na tanong ni Leni kay Grace. Natanaw na lang nila sa di kalayuan si Miriam katabi ng nakatumbang kariton ng armas. 

"'Di kaya sinadya ni Miriam na itumba ang kariton para maiwan s'ya kasama ng mga armas ko?" ngayon lang na-realize ni Leni ang lahat. Ang sugat ni Miriam ay kagat ng zombie at alam n'yang bilang na ang oras n'ya. Sinadya nga itumba ang kariton at planado n'ya talagang magpaiwan. She's making a sacrifice! 

Clueless ang mga zombies na 'to sa balak ni Miriam
Bago pa man dagsain ng zombies si Miriam, lumingon ito kina Leni at Grace. Natanaw ng dalawa ang isang mukha ng contentment. Hindi takot o panghihinayang. Tulad nga ng sinabi nya:  "I'm happy I got to use my time well. Time well spent indeed." Tuluyan na ngang natabunan si Miriam ng zombies. Kitang-kita nina Grace at Leni ang lahat. Alam na alam ni Leni ang susunod na mangyayari. <Queue: Huwag Ka Nang Umiyak by Gary Valenciano> BOOM!

Isang malakas na pagsabog ang sumunod. Nabasa ni Leni na gagamitin ni Miriam ang explosives sa kariton n'ya para pasabugin ang mga zombies na lalapit sa kanya. Hindi lang time well spent si Miriam, well played pa. She literally went down with a bang. A big bang. Sandamakmak na zombies ang naging abo sa sakripisyo na ginawa n'ya. Indeed, she was the bravest People Power Puff girl.

"And just like that.. Miriam was no more." Ito ang kinukwento ngayon sa amin ni Leni sa rooftop ng pulang building. Nakayuko lang sina Robin at Rody habang si Anne naman ay kanina pa umiiyak habang pinapatahan ni Grace. 

"Napakatapang talaga ng babaeng 'yan. Now, let's not waste her sacrifice. Ipakita natin sa zombies na 'yan na pag nanlaban sila - patay sila!" pagalit na sabi ni Rody. "We will survive and win this war against zombies!" 

Pero sabay sa inspirational speech ni Rody ang pagtunog ng fire alarm ng building. Nagkatinginan kaming lahat. "Rody, anong ingay 'yon?" nerbyosong tanong ko. Tiningnan lang ni Rody ang bawat isa sa amin. "P*tang ina naloko na, nakapasok na sila sa building. Brace yourselves, the zombies are coming."

(to be continued...)

Miriam Defensor Santiago (15 June 1945 - 29 September 2016)

No comments:

Post a Comment