Monday, September 5, 2016

Ronscreens: Train to Busan

Ang zombie film na may puso
Okay, kung binabasa mo 'to ngayon dahil gusto mong makasiguradong sulit ang ibabayad mo sa sinehan kapag nanood ka ng Train to Busan - isang malaking OO. Sulit na sulit! Sa sobrang sulit huwag mo ng tapusin ang pagbabasa nitong post na 'to at tumakbo ka na sa pinakamalapit na sinehan d'yan and watch. Di aalis ang blog na 'to. Balikan mo na lang ako pag nakapanood mo na, okay? No hard feelings promise. Kaya go! Now na!

Grabe 'tong pelikula na 'to. It's mainly a horror suspense movie pero it will make you feel all the feels in the world. Takot, saya, galit, lungkot. kaba - lahat na! Ang ganda ng character development ng mga bida at kontrabida sa pelikula. Don't get me wrong, isa s'yang zombie movie per se PERO merong puso. You will totally root for the protagonists and feel the opposite para sa antagonists. It's been a while since I watched a total badass movie like this. Teka, bakit nagbabasa ka pa? Again, kung di mo pa napapanood ang film na 'to - NOOD NA!

Bida sa Train to Busan ang bida sa Coffee Prince na si Gong Yoo, ay oo nga pala this is a Korean film kung di mo pa alam. So subtitled ang buong pelikula so bewarned. Personally, it didn't bother me kasi medyo nasanay na din ako manood ng non-english films kahit paano. Ang dami kasing magagandang pelikula na hindi english pero nuknukan ng ganda. That being said, Train to Busan is no exception - it's one of the finest film I watched in long while. Tipong mairerekomenda mo sa iba na panoorin na siguado kang 'di ka mapapahiya. Tapos next time na magkita kayo babanatan ka ng: "Syet! Ang ganda nga!" at sasagot ka naman ng "IKR".

Mamahalin mo ang character na 'to, pramis!
Aside from Gong Yoo, the rest of the cast did well. Lalo na 'yung batang babae. Wow, Class S acting. Her scenes with Gong Yoo will really pull your heart strings. 'Yung asawa ko nakailang tissue all through out the movie. Needless to say, ito na yata ang pinakanakakiyak na zombie movie na napanood ko. Parang may naghihiwa ng sibuyas sa sinehan! Kahit mga lalake nagsisinghutan dahil sa mga drama scenes. Kaya naman after the movie, ang bilis lumabas sa sinehan ng mga tao (lalo na 'yung mga lalake) kasi ayaw yata maabutan ng pagbukas ng ilaw. Mao-obvious ang kanilang man tears, he he.

Well, sa gitna ng mga hugot films na umuusbong ng kaliwa't kanan ngayon sa Pilipinas (which I think is beginning to trend), I am really really happy na I have watched this hidden gem instead, SANA marami pang ganitong pelikula ang lumabas. Not necessarily a zombie movie, pero a movie that could transcend genres. 'Yung pwedeng maging horror pero effective drama and comedy din. I know some movies do this already pero sana as effective as Train to Busan. Just my two cents.

Great story, great casting, great movie
Alright! So if you bothered reading this blog post hanggang huli, salamat na marami. I'm touched. Pero that doesn't change the fact na isa kang hangal kung inuna mo pang tapusin ang post na 'to kesa panoorin ang actual movie. So my final rating? I rate it "'Nyeta utang na loob panoorin mo na 'to!"

No comments:

Post a Comment