For the first time in Philippine history medyo yata nasasapawan ni Gary Valenciano ang iconic na kanta ni Jose Mari Chan na Christmas in Our Hearts. Bakit kamo? Paano ba naman, putok na putok sa Facebook ang kanta n'ya na 'Wag Ka Nang Umiyak na theme song ng ABS-CBN TV show na Probinsyano. Lahat na lang yata ng may 'moment' na scene sa movie nilagyan nito. Ber months na pero 'di pa din dominated ni master Jose Mari Chan ang airwaves at social media? This is madness!
All thanks to these videos:
Click the image to launch the playslist |
Ang uploader ng videos na ito ay si Xymon Viktor at talaga namang pumatok ang naisip n'yang fusion ng foreign drama moments with Gary Valenciano's hugot voice sa 'Wag Ka Nang Umiyak'.
Una kong napanood ang fusion na ito sa Stranger Things at from there, ayun, umabot na hanggang sa Train to Busan. Maraming versions ang lumalabas online pero I think sa kanya ko una nakita ang pausong ito. Nakakatuwa naman s'ya though ang iba medyo nauumay na. Well, depende sa execution siguro or sa eksenang lalapatan. May mga moments kasi na sobrang nostalgic para sa'yo na feeling mo tuloy nababoy 'yung eksena kasi nga sinabayan na ni Gary Valenciano. Ano kaya ang komento ni Gary V. sa phenomenon na ito? Proud kaya s'ya na may rival na si Jose Mari Chan ngayong Ber months? Okay lang ba na wala s'yang royalty sa kaganapang ito? Kung wala man, Gary, 'wag ka nang umiyak.
Kung hanggang saan aabot ang Gary V. phenomenon na ito ay walang nakakakaalam pero for sure it's umay factor is catching up very fast. Parang 'yung expression na "Pak Ganern" - parang naduduwal na 'ko sa salitang 'yan, utang na loob. Meron pang game segment 'yang Pak Ganern na 'yan sa Showtime. God help us.
Bago tayo magtapos, bigyan ko rin ng pugay si idol Jose Mari Chan na recently ay nag-guest sa show ng mga bayaw nating sina Lourd and the gang. Nakakatuwa ang mga stories behind Jose Mari Chan's hits. Here's the video. Enjoy!

Click the image to launch the video |
No comments:
Post a Comment