Dance number ng Pablo's Sweet Tarts |
Nagbalik sa alaala ko ang JCO donuts. There was a time na pinutakte din ito ng mga tao. Box office ang pila at talagang parang santo ang pagpuri sa lasa ng donuts. Pero sa totoo lang, parang placebo effect lang yata, eh. Well, delicious is relative pero sa panlasa ko - parang sobrang tamis. Mas trip ko pa din ang Dunkin' Donuts sa totoo lang. Pero syempre after mo pilahan ng pagkatagal-tagal ang donut mo malamang medyo magiging bias ang panlasa mo, di ba? Again, maybe. Iba iba naman tayo ng upbringing sa mga taste buds natin so, let's leave it at that. Pero how about Pablo?
Real talk? Duda na agad ako sa Pablo. Saka ang pinoy talaga may tendency sumakay sa hype train, Unang una, parang I've seen this before - ayun nga, parang sa JCO, 'yung alingasngas at curiosity ng tao ang magbebenta sa produkto nila. Pero again, pwedeng pwede din namang may hustisya ang tagal ng pinila at binayaran mo sa lasa ng tarts nila. So we decided to find out ourselves.
Dumayo kami ng Robinson's Manila. Dahil nga sa horror stories ng pila, inagahan namin ang punta. Di naman to the point na sarado pa mall nakaabang na kami sa labas pero we were there before lunch. Aba! Sa labas pa lang may malaki ng ad ang Pablo. Marami na din nagse-selfie with the giant ad. Siguro mga bigo sa pagbili ng tarts kaya bumabawi na lang sa selfie.
Gotta love Pablo's marketing team |
Hindi po ito pila for NBI or Passprt application |
So for now kung may makakatikim ng produkto ng Pablo d'yan, eh ano ba'ng verdict n'yo? Sulit ba sa presyo? Worth ba pilahan? Ilang taon kayo nagsumila pumila at ilang taon kayo natapos? At syempre higit sa lahat, kung isa ka sa maswerteng nakatikim na ng goodies nila - penge naman d'yan!
No comments:
Post a Comment