Every revolution begins with a spark |
Parang sa SM South yata dalawang cinemas lang ang hindi Catching Fire ang palabas. 'Dun pa lang alam mo ng in demand ang film na 'to. It's not all hype at all. Unlike Thor part 2, na I was a bit disappointed, Catching Fire is deserving na bwakawin ang mga cinemas ng SM. So why made it good?
For starters, maganda ang pacing ng movie. I'd say less talk - more action. Wala masyadong daldalan at kung meron man, meron talagang kinalaman sa story lalo na't book based ang movie na'to (na di ko pa nababasa). Kahit na mahaba ang pelikula, the film felt dragging. Maganda ang choices ng scenes at talagang stirring din ng emotions at times. In short, di lang puro bakbakan - meron ding puso (naks).
The main actress Jennifer Lawrence did a good job, too. Mula 'nung napanood ko 'yung Silver Lining, mas naappreciate ko ang telent ng babaeng ito. Kaya nga watching her in Catching Fire kinda looked like na she has really matured. Di physically (tho medyo may baby fats nga s'ya dito) pero sa way na umarte s'ya. Maybe because that's what the role asked of her? Pwede, pero I think she's just that good that she can shift from one role to another.
Si Peeta (na sabi ni Judy kwadrado daw mukha) mahusay din. Kalmado lang ang peg. Pero among the tributes, ang OK para sa'kin is 'yung guy na may tinidor ni Atlas. Finnick daw name 'nun. Maangas pero maginoo. Ikaw ba naman magbuhat ng lola habang tumatakbo. You'll know what I mean when you watch the movie. The rest of the actors/actresses - maayos naman. Can't complain. Pero kung tatanungin n'yo ko sino 'yung pinakanagalingan akong umarte sa movie? 'Yung host ng show, hehe. parang hyper mode lang ni German Moreno, eh.
Okay na sana ang watching experience ko ng todo kundi lang may spoiler sa tabi ko. Yup, si Judy di maiwasang magkwento ng mangyayare - kabanas! Napapalammukos na lang ako ng mukha eh. Napagsabihan na once, aba, inulit pa! Anak ng Katniss naman talaga, oh! Anyway, natapos ang panonood namin ng saktong alas dose ng gabi. Nakakatawa 'yung ibang tao na di alam na trilogy 'yung movie, nagtataka pa bakit daw parang bitin, hehe. Oh well, balita ko hahatiin daw sa dalawa 'yung huling part ng Hunger Games which is Mocking Jay. Ganun talaga ngayon, dapat hati sa 2 parts ang last part para mas maraming kita di ba? Following the steps of Twilight and Harry Potter. Hmm, pero bakit ang Shake, Rattle, and Roll naka ilang parts na, at hati hati pa sa chapters ang bawat parts, di pa rin matapos tapos? Well, let's just hope that franchise catches fire soon. Kailangan pa ba ng revolution for that to happen? SIGH...
No comments:
Post a Comment