Saturday, November 23, 2013

Xbox 360 Memories

Gamer tag pa lang panalo na
So the Xbox One officially launched. BOOM! Just like that we now refer Xbox 360 as a "last gen" console. Grabe, parang kelan lang parang ang Xbox 360 ang pinaka high-tech na gamit  ang meron ako. Para s'yang isang bagong kakilalang kaibigan na napakadaming kwento. 'Yung tipong mahirap mainip kahit s'ya lang kasama mo. Pero when you play with your friends with it - it's actually way cooler!

At ngayon na may bago ng bida ang Microsoft sa katauhan ng Xbox One, unti-unti ng mamamaalam ang Xbox 360 sa eksena. It may not be instantly - pero it will surely happen gradually. With that, hayaan n'yo muna akong mag-senti sa mga memories namin ng Xbox 360. Here are some of my fond memories of 360.

  • Naaalala ko pa na dinayo pa namin ng utol ko somewhere north para lang i-meet ang seller una naming Xbox 360. Pinagsama namin ang mga pera namin just to buy this console. Classic brotherly teamwork!
  • Ilang taon ding bugbog sa amin ang Xbox 360 na 'to. Mga taga Tondo ba naman ang gagamit, eh. So eventually, ang pure white n'yang kulay ay naging gray. Magic.
  • Di na rin mabilang ang mga away na pinagmulan ng console na 'to. Mga tipong nasa kainitan ng laro biglang tatawag GF mo o kaya oras na kumain at lumalawit na tonsil ng nanay mo sa kakatawag sa'yo pero di ka pa makaalis dahil wala pang save point. Sigh, they will never understand.
  • Marami na ring bonding ang nabuo dahil sa Xbox 360 na 'to. Di lang dahil sa multiplayer online, pati na rin sa movie marathons using the console as a movie player. 
  • First time ko rin nakaranas gumastos dahil lang sa subscritiptions at downloads para lang ma-maximize ang gaming experience ko online. If you know me personally, you'll know that's really unbecoming of me. KUNAT boy.
  • Kinect! Sino ba makakalimot sa isang larong di kailangan ng controller? Kaya ayun=, next thing I know, nagsasayaw na lang kami ng Bad Romance ni Lady Gaga sa Dance Central.
  • Syempre pa dito din namin nakilala ang iba pang pinoy players all over the world dahil sa ilang sessions din ng Call of Duty through Xbox Live. Isama mo na rin ang Tekken Tag 2 where in naging top 1 kami worldwide for a couple of months.
  • Eventually, medyo nagpapakita na rin ng signs ng kalaspagan si 360 kaya paminsan  minsa kailangan namin s'yang ipa-repair all the way pa sa Quezon City by commute!
  • This 360 also helped me kept my sanity kapag sobrang dami ng work at kailangan mag-relax. Maganda s'yang brain stimulant at saka kahit paano gumagana din 'yung creativity mo. Maybe it even re-enforced yung kagustuhan kong gumawa ng sarili kong games. So here I am.
Hanggang sa nag asawa ako, buhay pa naman 'yung original na 360 na 'yon. Though medyo marami na s'yang war scars - gumagana pa rin naman. Iniwan ko na s'ya sa Tondo pero my brothers are still using it from time to time. I have a new one, the slim version naman, pero for some reason - iba pa rin 'yung nostalgia 'nung original 360 namin. Siguro because of the memories that came with it? I dunno pero THANK YOU my original Xbox 360 for that wondeful run. This song's for you.



No comments:

Post a Comment