Sunday, November 10, 2013

Nagsimula sa Panaginip

So nanaginip ako kagabi ng isang magandang panaginip. Bumili daw ako ng "scratch it" sa isang lotto stand at tumama ng 200,000 pesosesoses! Ang saya ko daw sa panaginip ko kasi ba naman kumiskis lang ng card nanalo na ng 200k di ba? Di ako mahilig sa ganun pero jackpot agad!

Pero tulad ng pangarap kong magkaron ng six-pack... ako'y nagising sa katotohanag nanaginip lang pala ako.

Pero naisip ko, di kaya magkatotoo 'yung panaginip ko? Sakto naman na pupunta kami ni misis sa SM. Subukan natin ang aking roleta ng kapalaran. Pagdating sa SM, bumili ako ng isang scratch-it card. Ninamnam ang mga sandali at dahan-dahan na ngang kiniskis ang mga numero.

Close enough...
40 pesos. Yan ang napanalunan ko. Medyo disappointing pero at least may napanalunan pa rin di ba? Baka nagkaron ng miscalculation ang tadhana. O baka may malas? Well, apparently, meron nga. Nakita ko sa Ace Hardware.

Panira 'to ng araw eh.. tatawa-tawa pa oh!
Well I guess the dream is just a teaser of things to come. I am grateful of what I have right now and wala naman talagang magic or shortcut sa success. Sabi nga ni Villar - Sipag at Tiyaga! And that is true. Kayod lang lalo na at malapit na ang pasko, hehe. I love my work and it's like actually living my dream. I guess dreams do come true after all minsan.

Ang ending, we ended up buying an office chair para naman comfy ako habang nagtatrabaho. Masakit din pala sa pwet yung monobloc kapag maghapon kang nakaupo. Anyway, anything that makes you function better to be productive is always a good investment I think. So there - salamat CDR-King, IMBA ka!

Poorman's DIY workstation. Where magic happens!


No comments:

Post a Comment