Saturday, March 9, 2013

Dear Candy Crush Saga

Dear Candy Crush Saga,

Hi. Gusto ko lang malaman mo na mula ng nakilala ka ng asawa ko ay nagulo na ang mundo n'ya. Ni hindi na nga s'ya nakakatulog ng maaga dahil sa'yo. Ano ba'ng meron ka at pati mga friends namin sa facebook nahuhumaling na din sa'yo. Oo, kahit lalake pinapatos ka na rin!

Para bang lumelebel ka na rin sa mga tropa mong sina angry birds, plants vs. zombies, at temple run (na may kapatid pang temple run 2). Kaya naman mula ng ipakilala ka sa akin ni Judy sinubukan ko agad alamin ano ba'ng meron ka. At 'yun ang malaki kong pagkakamali.

Ngayon, nakikipag-puyatan na rin ako kasama kayo ni misis. Hangga't di ko nawawasak ang mga hayup na jellies na 'yan 'di ako natatahimik. Bawat pagsabog ng striped candies ay tila musika sa aking pandinig. Lalo na kapag sinasabi mo ang "Sugar Crush!" - nakaka-kilig! Parang nakakabadtrip din kapag nauubusan ako ng moves at namumuro na akong maka-tapos ng stage. Parang gusto kong mag-cartwheel ng walang humpay kapag nakalagpas ako sa isang stage na ang tagal ko ng gustong malampasan. 'Eto na nga yata ang sinyales na "I am one of them".

Kaya di ko alam kung magpapasalamat ba ako sa'yo o mababadtrip. Salamat dahil kahit paano nagkaisa kami ng asawa ko pagdating sa gaming. Alam mo naman 'yan, allergic sa xbox. Sa isang banda, pahirapan na ngayon para sa amin ang makatulog sa oras dahil nga sa ubod ng hirap mong stages! Nakakabadtrip minsan ang design! Di ko nga alam paanong may nakikita akong mga taong nakaka-abot sa sobrang lalayo ng stages. Ano 'yun? Buong maghapon ng naglalaro? At isa pa, may times pa na kailangan naming humingi pa ng tulong sa mga kapwa namin Candy Crush Saga players sa facebook para lang maka move-on sa next level. Tuso ka din eh no? Pwersahin ba talaga kaming maging at mercy ng ibang adik para lang maka-usad? Ano? Uto-uto?

O s'ya magsesend pa 'ko ng requests para makapunta sa next level - no choice eh, hehe.

Naaadik,
Ronski


No comments:

Post a Comment