An hour ago nagmamadali kami sa pag uwi dahil nagtext si mama na parang bumabagal na ang paghinga ni Ashong. This past few week kasi medyo naging maraming sakit si Ashong. Nandyang parang may UTI s'ya tapos a few days ago parang naduduwal na hindi naman mailabas ang gustong ilabas. Ilang beses na rin kaming kumunsulta sa ga vets, dinadayo pa namin kahit malayong vet para lang maipagamot si Ashong. Pero baka nga though it may seem too early, it's his time.
His first pictorial sa Tondo |
Gusto n'ya lagi ko s'ya kasama |
Parehas din yata kami ng taste sa music |
Fecth exhibition no.1
Fetch exhibition no.2
Nanood kami ng Walking Dead together |
Heto s'ya after injectyonan ng anesthesia
At tuluyan na ngang umepekto ang anesthesia
Pag-uwi nawala na ang anesthesia effect - sa upper body
Kakauwi pa lang mapapaaway na agad
Late August, bigla na lang s'yang umihi ng dugo. Syempre taranta kami. Nakarating kami ng Malate para ipa x-ray si Ashong at ng malaman ano ba'ng sakit n'ya. Wala naman daw s'yang sakit sa bato. So niresetahan na lang kami ng pwedeng magpagaling sa kanya. Umokey naman s'ya after that. Back to normal. 'Nung nakita ko s'yang nang-aaway na naman ng ibang pusa sabi ko sa arili ko - okay na nga s'ya.
Pero mga 3 days ago 'eto na nga. Isa na namang palaisipang sakit. Pero this time, hindi na talaga kinaya ng kung ano anong gamot at vitamins. Balak namin s'ya ipatingin ulit sana sa vet bukas pero tonight - he decided to move on. He died habang karga ni misis. Iyak ng iyak si Judy kasi alam n'ya siguro na sandali na lang talaga ang oras ni Ashong. Maputla na s'ya at hirap na hirap ng huminga. Ginawa n'ya ang payo ni vet pero wala na ring epekto. Parang gusto na rin talagang magpahinga ni Ashong. Sa huling hininga ni Ashong, tumingala s'ya at nagkatinginan pa kami. At tuluyan na nga s'yang nagpaalam.
Bye, Ashong. Sobrang mami-miss kita talaga. Salamat sa friendship.
Huling limang minuto ni Ashong kasama kami |
Ang galing naman mag-fetch ni Ashong! Rest in peace, Ashong...
ReplyDeletethanks els :)
DeleteAng galing naman mag-fetch ni Ashong! Rest in peace, Ashong...
ReplyDeleteDi ba parang me effect yun pgkkapon ke Ashiong if umihi za ng blood? Bka me veins na na hit di kita sa xray? Saw the vids, soo clever, sayang, parang dog din pla ang cats, I'm a certified dog lover, after watching the vids, like ko na din ata mg pet ng cats, lovable indeed...condolence Ron en Joanne..- Ate Ellen
ReplyDelete