Part 2 ng mga ilang inaagiw na articles ko written noong Friendster era. Yup, noong mga panahong estudyante pa lang si Mark Schurzerhbvergzzz - basta, 'yung founder ng Facebook. Nasulat ko 'to noon out of frustration sa isang kaibigang "muntanaga" na sa isang relationship. This goes out to all the GOMBURZA ladies out there!
Parang gusto ko ng maniwala na mas mataas talaga tolerance ng babae compared sa lalake pagdating sa pain. And I'm not just talking about physical pain - but emotional pain.
I am sure may kakilala kayo na the day before iyak ng iyak kesyo di na nya kakayanin trato sa kanya ng bf nya, na she deserves better, etc. Mababakas mo ang poot nya dahil pati sa facebook, twitter o friendster (sumalangitnawa) binroadcast nya ang SAKIT ng nararamdaman nya. Yeah, for all the world to see. Pag nakakakita ako ng mga ganyang status sa facebook I always read them as if the author is screaming at the top of her lungs (NO, not "what's going on"). Paano, sa totoong buhay di nya mailabas ang sama ng loob nya kaya sa cyber life na lang sya nagsisisigaw. Mas madali pero unrealistic.
I am sure may kakilala kayo na the day before iyak ng iyak kesyo di na nya kakayanin trato sa kanya ng bf nya, na she deserves better, etc. Mababakas mo ang poot nya dahil pati sa facebook, twitter o friendster (sumalangitnawa) binroadcast nya ang SAKIT ng nararamdaman nya. Yeah, for all the world to see. Pag nakakakita ako ng mga ganyang status sa facebook I always read them as if the author is screaming at the top of her lungs (NO, not "what's going on"). Paano, sa totoong buhay di nya mailabas ang sama ng loob nya kaya sa cyber life na lang sya nagsisisigaw. Mas madali pero unrealistic.
Minsan we think na unfair ang mundo, unfair ang love at sisisihin nating ng walang humpay ang sarili natin sa mga nangyare. Pero nonsense yun. Waste of energy. No sense wondering bakit nangyare ang ganun at ganito kasi tapos na ang lahat. Nasaktan ka na and for some reason, you have this habit of reminiscing the pain. Hirap kasing tanggapin ng truth minsan. Kung kelan umiikot na ang mundo mo sa kanya bigla ka nyang bibitawan. At tulad ng kahit anong planeta na inalisan mo ng gravitational pull.. magpapalutang lutang na lang ang mundo mo sa kawalan. Void. Emptiness. Sa dilim at lamig ng galaxy. So ang tanong, paano ba maiiwasan ang ganito? Ang sagot.. di ko rin alam.
Kasi sa love wala talagang assurance. Kagaguhan lang ang salitang forever sa love. Something na masarap pakinggan kaya pinaparinig sayo. When the truth is everything is case to case basis. Dahil lahat ay dynamic. Nagbabago. Sabi nga ni Keane, everybody changes. Napakaswerte mo kung nagka bf ka once at yun na ang nakatuluyan mo.. it happens pero napaka rare.. sa sobrang rare, ang lahat ng mga taong naka experience nito ay dinidisplay sa national museum para ipreserve ang mga katawan nila. Para sa future, maniwala ang mga tao na may ganung love pala na nag exist.. yung tipong one time big time. Nakakinggit di ba? Pero don’t be. Nothing beats learning from your experience. Sabihin na nating ilang taon na kayo ng bf tapos iniwan ka bigla, sakit di ba? Pero life goes on. You’ll cry at ilan oras ka ring matutulala sa kisame pero eventually you’ll get over it. Ang mahalaga you did your part, you loved and you have to understand na di natin hawak ang utak ng ibang tao. In other words, mga walanghiya sila at walang kwenta. Walang sign ng bitterness di ba?
So it happened na you’re back in square one. Eh ano naman? Ang dami pang lalake dyan. Once in a while maaalala mo ang past syempre. Yun ang mga madramang tagpo. Sample:
- Pagpasok mo sa Tokyo, Tokyo di na sumo meal ang order mo kasi mag isa ka na lang kakain.
- Wala ng nagbobother magcheck sayo kung nasa bahay ka na o kumain ka na o kung may dala kang payong pag umuulan.
- Pagsakay mo sa jeep may makakatabi kang mag boyfriend sa kaliwa mo, sa tapat mo may isang tibo at babae, sa kanan naman isang dalawang bading na magka holding hands at sa harap andun ang syota nung driver na naniningil ng bayad sabay pupunasan ng bimpo ang pawisang driver. Sweet (and sour).
Ilan lang yan sa mga instances na nakakalungkot talaga. Pero life doesn’t have to die with love. Ang love napapalitan, ang buhay hindi na. Di ko lang maintindihan bakit may mga ganung tao. Ganun ganun na lang manakit. Pero may mas nakakainis pa sa taong ganun. Mas nakakabadtrip yung mga masukista na gustong gustong nasasaktan. Tuluyan ng nabulag at mabubuhay na lang sa pagtitiis. na kahit ilang beses mo ng iuntog ang ulo sa pader para matauhan eh wa epek pa din. Wish ko lang sa inyong lahat na nasa kawalan ang mundo, kumapit lang kayong mahigpit. Who knows I may bump into you sa galaxy real soon.
No comments:
Post a Comment