Hi, ako nga pala si Tim Giggle Grabber. Tim na lang for short. You might remember me sa pelikulang Despicable Me and sa Mcdo collectibles na nagpa-baliw sa maraming pinoy. Today, I will share sa inyo ang isang documenrary na ginawa ko kasama ang dalawang taong malapit sa aking puso - sina Ron and Judy. Malapit sila sa akin dahil of all the minion toys na nakuha nila from Mcdo, ako ang napili nilang "starring" sa dokyu na ito. Sweet no? Biruin mo ako ang bida samantalang si Ron ang may birthday - hanep!
So here it is, the birthday getaway documentary with Ron and Judy.
Challenging pero nagawa naming makaalis ng bahay at exaclty 5:30AM. Kung kilala n'yo lang gaano kaadik sa pagpupuyat sina Ron and Judy, you'll know na di ganon kasimple pagisingin sila ng wala pang liwanag. As for me, walang problema ang paggising. Besides, never pang pumikit ang mga mata ko - NEVER!
S'ya nga pala, papunta kami ng Batangas. Matagal na kasing binibida ng ninang nila na ubod daw ng ganda ang isang resort dun na itago na lang natin sa pangalang Acuatico Beach Resort. Malayo-layo ding byahehan 'to so kailangan talaga maagang lumarga since dalawang beses lang daw ang byahe papuntang Laiya, Batangas. First is 6:00AM and second trip is 5:00PM. Sa RRCG bus terminal 'to doon sa may Buendia. Needless to say, umabot naman kami sa umagang byahe.
Senti senti din muna pag may time |
I have the best seat while watching the video on board |
Halos 3 hours din ang byahe papuntang Batangas. Masakit daw sa pwet sabi ni Ron. Di ako maka-relate kasi I've been in this sitting posture all my life (bitter). Anyway, wala naman masyadong traffic and mabilis ang byahe so I have no complaints - medyo gutom lang and bored kasi tulog mga kasama ko halos buonng byahe. So finally we reached 'yung dulo ng byahe - Laiya, Batangas.
Buti na lang at bukas na 'yung Puregold sa binabaan namin so we quickly rushed in at ngumasab muna ng siomai. Japanese siomai sa Batangas - walang nagbago.
Tinirahan mo pa ko, Ron - hiyang hiya naman ako sa'yo! |
Matapos ang quick siomai bite, deretso na kami sa jeepney terminal papuntang Acuatico. Napansin ko agad na parang ang friendly ng mga tao sa Batangas. Nag-rereflect talaga na ang governor ng lugar na ito ay isang Star for All Seasons. How about sa Manila? Sa bagay reflect din naman na ang mayor ng Manila ay si Asiong ng Tondo.
Time of arrival is exactly 10:46AM |
Habang hinahanda pa yung kwarto namin, isang mabait na receptionist ang nag-offer kina Ron at Judy ng malamig na pandan gulaman. Badtrip nga ako kasi bakit sila lang ang binigyan? Ano 'yan discrimination? Buti na lang mabait si Judy at hinatian ako sa gulaman n'ya habang nag hihintay kami sa bar.
Chill lang muna sa bar with Judy (I think I'm in love) |
Mga nakaw na tingin kay Judy |
Yung moment na na-in lab ka sa babaeng may asawa na, sigh... |
Idadaan ko na nga lang sa inom... ng gulaman, hehe |
Sabi ko kay Judy mauna na kami sa room since busy pa yata si Ron sa bar - pumayag naman s'ya! Di kaya may gusto din si Judy sa'kin? Sabi na nga ba eh! Mala-kamandag ang karisma ng tantalizing eyes ko, hehe. So we went straight to the poolside room - without Ron.
No comments:
Post a Comment