Bakas na bakas sa mukha ni Ashong (may persian cat) ang pagkadismaya sa litratong ito. Ewan ko nga ba, sa lahat ng na-groom na pusa sya pa ang di masaya. Halos tatlong oras din syang nandun sa Animal House grooming center na nilinis at minake-over so bakit kaya sya badtrip?
Di ako eksperto sa field ng feline hygiene o ng cat fashion pero nawiwirduhan lang din ako sa kinalabasan ng pagka-groom kay Ash. Pagkauwi sa bahay doon ko mas naunawaan ang pagiging wala sa mood ng pusa ko. Kaya pala para syang tulala at nakatingin lang sa kawalan all the time (na parang rape victim) from the moment na kinuha ko na sya from the grooming center. The time na nilabas ko sya from the carrying bag at natitigang mabuti - nagets ko na anong problema nya.
Again, di ako eksperto sa ganyan so nagtanong ako sa pusaholic kong girlfriend. Ang sagot nya ay mas nakakagimbal. Akala ko makakakuha kami ng simpatya sa kanya o di kaya'y magagalit sya sa nag-groom kay Ash pero mali ako. Ang nasambit lang nya ay...
"O, sana pinakalbo mo na sya talaga..."
Wow. Naimagine ba nya ano itsura ng pusa ko pag pinakalbo ko sya? Pusa pa ba tawag dun o alien? Sabi ko nga sa kanya eh di palagyan na rin natin sya ng tattoo para mas matodo na yung Tondo image nya - kalbo at may tato. Well, baka nga ganyan talaga ang grooming minsan, expected ko kasi gaganda itsura pag na-groom di ba? Pero mabilis naman tubuan ng balahibo 'tong si Ashong so okay na lang din siguro.
As I write this post mukhang bumalik na ang dating sigla ni Ash. Masaya na din ako at naka get over na sya sa kanyang trauma at tuluyang niyakap ang kanyang bagong anyo.
Natatawa naman ako ng bongga! hahaha. baliw ka tlga. pati yn snabi mo pa..
ReplyDeletesinabi mo naman talaga yun diba? hehe
ReplyDeletePag pinakalbo mo si Ash Lynx na siya :'( Pangit.
ReplyDeleteisa pa naman sa world's ugliest cat yun.. ewww.. hahaha
Delete