Dear Zoren,
Maraming kinilig sa ginawa mong proposal-wedding combo noong isang araw. Actually, isa na ako doon. Saludo ako sa sweetness mo na tinalo pa yung ineendorse nyong Selecta ice cream sa tamis. Pero sumusulat ako sa'yo ngayon dahil gusto kong bigyan ka ng babala. Tila maraming kalalakihan kasi ang naaalibadbaran sa'yo ngayon. Bakit kamo? Hayaan mong ipaliwanag ko.
Magmula daw nung iere ang proposal-wedding nyo ni Carmina sa TV eh parang may nagbago na daw sa mga partners nila. Parang nag "transform" na daw ang standards ng mga partners nila pagdating sa salitang "sweetness".
Sample, ang mga simpleng pasalubong na siomai, hopia, Tortillos at iba pa ay tila ba nawalan na ng kilig factor ngayon. Ang pagpo-propose ngayon ay wala ng dating kung wala sa ilalim ng cherry blossoms. Not to mention dapat may dance number din pala at kailangan nandun si Tito Boy. Hay nako Zoren, mukhang you're in deep shit, man.
Mukhang masyadong napataas yata ang bar na sinet mo pre. Ngayon naglulupasay at nagkukumahog ang mga lalake para lang makaabot sa kalingkingan ng ginawa mo kay Carmina. Parang lahat ng babae gusto maging Carmina tuloy - pati nga mga lalake parang naging Rustom habang nanonood ng video nyo. Ganun kalupet! So konting ingat lang pareng Zoren, wag ka na magtaka kung sa mga susunod na araw ay may mga death threat texts kang mare-receive galing sa mga male fans mo... na may kahalong love quotes.
Nagmamalasakit,
ronski
PS: Saludo pa rin ako sa'yo pre. Kahit na nahihirapan ako ngayon humanap ng Cherry Blossoms para sa nalalapit kong kasal. Tsk...

No comments:
Post a Comment