Oh yes! Mas nakakainlab pa sa tambalang Guy and Pip, Monching at Lotlot, Judy Anne Santos at Wowee de Guzman ang pagbabalikan ng dalawang entity na tila napakatagal na ring pinag hiwalay ng tadhana. Ladies and gentlemen, please join your hands (and i-lift up nyo na rin kay God kung gusto nyo) for the reunion of Ron and his undying-passion-for-writing! Yun na po yun, ang pagbabalikan namin ng aking passion for blogging. Thus the title.. <i-play ang song na Together Again> Together Again!
Tulad din ng isang relasyon, iba talaga pag first love no? Di ganun kadali kalimutan. Like writing, mukhang isa na ito sa di ko na maiiwanang hobby. Oo mahilig din ako gumawa ng kung ano ano like drawing, singing, sky diving or playing water polo with my friends during weekends pero iba pa rin talaga ang kapit ng writing sa'kin eh. Tulad nga nung nasabi ko sa mga nauna kong blog (opo, marami na po akong sumakabilang buhay na blog.. sumalangit nawa) lahat ng tao kailangan ng outlet and it just so happened na isa ito sa pinaka mahusay na outlet para sa akin. Mas madaling isulat ang frustrations sa blog kesa sumuntok sa pader o kaya ihagis ang TV sa bintana. Mas madaling isulat na ang saya ng birthday mo ngayon kesa manlibre. Di ba?

In this section (Ron at Ngayon) pipilitin kong mag-update ng kahit konti about sa araw araw na buhay ko. Lalo na ngayong malapit na ang pagchachange status ko, di gender ha, status! Oh well, you'll know more sa mga susunod pang mga posts. So until then ito po ang inyong abang lingkod na nagbabalik mula sa napakatagal na pagkahimlay sa pagsusulat na nagsasabing... tsup tsup, mwah mwah!
No comments:
Post a Comment