Thursday, November 8, 2012

Confessions of a Sea Sick Boy

Ayoko sa tubig.

No, di ko sinasabing takot ako maligo o lumusong sa baha. Ang ibig ko sabihin eh yung lumangoy at magbyahe sa ibabaw ng tubig . Kahit anong sasakyang pandagat pa yan basta maramdaman kong up and down ang sahig dahil sa alon di na'ko mapakali. Ayokong ayoko yung pakiramdam na unstable yung sasakyan tapos alam ko na nasa gitna kami ng ilang galon ng tubig na lampas building sa lalim. Brrrr!

Siguro nga malaking aspekto nitong pagiging sea sick ko eh yung masakit na katotohanang di ako marunong lumangoy. Oo, lulutang naman ako sa tubig bakit hinde - pero padapa, saka wala ng buhay. Buti na nga lang medyo may height ako kaya kahit pumunta ako sa medyo malalim kaya kong iproject na kunwari lumulutang ako pero ang totoo swabeng swabe lang ang pagkakatayo ko sa "ocean floor" hehe. Nilulublob ko din ulo ko sa tubig once in a while para naman mabasa yung upper part ng dibdib ko. Para lang akong lumusong sa bahang hanggang dibdib pag umahon ako ng tuyo ulo ko di ba?

Kelan lang bumalik na naman kami ng Boracay. Ganun pa din ang routine. Lakad lakad sa dalampasigan, tampisaw ng konte, lulusong ng di kalayuan sa dalampasigan, aahon - REPEAT. Siguro nga sa swimming department medyo wala akong kwenta (o wala talagang kwenta) pero you know what? I can sincerely say na I am happy during those times na naglalakad ako by the beach. Ang ganda ng sunset! Sarap tingnan ng paghahabulan ng alon. Parang postcard shot kahit saan ako tumingin. Paradise! Meron nga sigurong ibang version ng paradise sa ilalim ng tubig pero kiber na lang yun - basta mahalaga masaya ako sa kung anong nakikita at kaya kong gawin. Palusot eh no?

Sabi ng iba I miss half my life kung di ako matututo lumangoy. Siguro nga, pero I highly doubt that. Depende na lang siguro sa kung paano mo hahatiin ang buhay mo as a pie chart. Never ko nakitang ang kalahati ng pie chart ng buhay ko ay pagiging swimmer at maninisid ng perlas. I maybe missing a fraction of my life pero sa dami naman ng ibang bagay na nagko-compensate dun, I really don't feel the loss. Sabi ko nga, kung papipiliin ako between paglangoy at paggigitara - pipiliin ko pa rin ang gitara. Kahit sa next life ko pa I'd still choose music over water. Indeed, we can't have everything. 

So kahit di ako marunong lumangoy I still LOVE the beach. The upper part of the water is good enough for me. Besides, napapanood ko naman yung underwater scenery sa Discovery Channel ng walang risk na makainom ng tubig dagat.. ALAT!


2 comments:

  1. O sabi sayo nagbabasa ako ng blog. Super agree sa post na ito.

    - galing sa isa pang di marunong lumangoy, hehe (Debz)

    ReplyDelete
  2. Mga batang dalampasigan.. UNITE! lol

    ReplyDelete