Thursday, November 15, 2012

Tips sa Trip sa DV

Pwede na siguro nating gawing synonymous ang salitang christmas shopping at ang Divisoria. Sa ilang taon ko na rin kasing nabubuhay sa mundo at nagkataon namang isinilang sa Manila - sa Tondo - just a few tumblings and cartwheels away from Divisoria, masasabi kong dito na talaga ang BEST DEAL when it comes to bargains and variety ng mabibili. Indeed, mapa sosi ka man o middle class o (ayoko ng maging) dukha... there's a place for you dito sa ating pambansang sentro ng komersyo at kalakalan - ang Divisoria!

So ano nga bang meron sa DV? Saan ba specifically sa DV ok bumili ng anik anik? Yung tig sasampung pisong laruan para sa mga inaanak (na hindi choosy)? Kapag nagutom sa kakaikot saan ba the best kumain? Oh well, fear no more dahil bibigyan ko kayo ng insight kung saan sa DV mo matatagpuan ang iyong hinahanap!

Damit ba kamo? Shoes? Toys? Wag ka ng lumayo-layo pa ate, pasok na tayo sa 168 mall. You won't miss this mall kasi from a small building ngayon isa na syang naaaapakalaking mall. Horizontally. I mean ang laki ng sakop nya. Dito kami madalas mamili ng damit at shoes. As a matter of fact, kahit nga suit ko for the wedding dito nabili - yup, they have a dedicated section para sa mga damit pang-kasal. Meron din namang mga damit sa Cluster 2 ng Tutuban Mall pero parang mas appealing para sa akin ang 168 kasi parang mas maraming stylish na damit. Either of the two, siguradong luluwa mata nyo sa dami ng damit, sapatos at toys na makikita nyo. Third runner up na lang si Divisoria Mall kasi medyo crowded at di kaaya aya ang "simoy" ng pasko dito (sniff.. sniff). Pero babalikan natin yang DV Mall in a while.

Toy #1: Pahabang angry bird / Toy #2: Thomas the transformer
Kung costumes naman lalo na ngayong holloween, punta lang kayo sa Tabora. Isa syang street na malapit sa DV Mall at kabilaan ang nagbebenta ng costumes, decors, wedding stuff at kung ano ano pang miscellaneous stuff. Malalaman mong nasa Tabora ka na pag narinig mo na ang magkabilaang tinig ng mga bading na tatanungin ka ng "Sir, costumes? Wings? Masks?" O di ba kumpleto ang mga lola mo? Kulang na lang dagdagan nila ng offer na kulot at pedicure sa dulo. Dito din sa Tabora makakabili ng mga per yardang tela na super mura. Dapat lang medyo sanay ka sa tawaran at sigurado uuwi kang may bakas ng ligaya. 

Tawagin nyo na lang syang Violeta
Kung gadgets naman ang hanap mo ate I would recommend two stores. Kung sosi ka dun ka sa Lucky Chinatown Mall. Doon ka makakabili ng mga produktong Sony hindi Sunny, Panasonic hindi Pensonic, Ipod hindi Apad. In short - mga orig na products. Di nakakapagtakang sosyalan ang mall na ito kasi ang may ari nito ay ang may ari din ng Resorts World, angas di ba? I'm sure target consumers nito ay yung mga chinese people na gustong makaexperience ng Resorts World sa Divisoria. Syempre open din naman ito sa Pinoy na medyo praktikal most of the time, which leads us to the second option where to buy gadgets - again, 168 Mall.

3-inch swimming pool sa tapat ng Lucky Chinatown Mall
Pero kung talagang super mura ng hinahanap mo, well, di mo kailangan pumasok sa malls dahil sa mga bangketa mismo ng DV may mga nagtitinda na ng cellphones. Nakalagay lang sa batsa for presentation. Huli kong check may Samsung S3 na sila. Tama naman spelling pero di natin sigurado saan galing ito. Hence, walang money-back guarantee at baka nasa huli ang pagsisisi. Sa mga bangketa naman given na yan.. what you see is what you get. Kung may nakita kang kailangan mo at available naman sa labas ng mall (with a reasonable price and quality) - might as well get it already kesa naman makipagsiksikan ka pa sa loob ng malls. Sa mga bangketa naman halo halo na rin ang products. Food, clothes, shoes, ultimo nga pets meron! San ka pa?

Mga maliliit na cliff limang piso lang
At dahil siguradong mapapagod ka sa kakalibot sa DV, syempre magugutom ka at maghahanap ng makakain. Dito I would highly suggest na wag na lang sa bangketa kumain ng kung ano ano. Oo alam ko parang tinutukso ka ng kwek kwek na bagong luto at nagsu-swimming sa suka pero snap out of it! Kaya meron akong irerefer na kainan sa inyo na siguradong titirik ang mga mata nyo sa sarap pero hindi titirik ang bulsa nyo sa presyo - Fruito King. Medyo misleading ang pangalan I know pero hindi po sya fruit stand kundi isang dimsum store. Makikita ang mahiwagang tindahang ito sa foodcourt ng DV Mall. Pag napadpad kayo dun I'd suggest order their siomai variations - lahat ng klase! Di kayo magsisisi pramis!

Picture pa lang ulam na
Yan na muna sa ngayon ang tips ko at bigla akong ginutom sa lecheng picture ng Fruito King na yan. Hahagilap muna ako ng makakain sa kusina. Tanghalian sa alas dose ng gabi. Tsk...


No comments:

Post a Comment