Thursday, November 8, 2012

Ang Girlfriend kong IMBA

Pag sinabing IMBA, ibig sabihin nito ay ibang klase. Out of this world. Parang "wow, pare, heavy!" ganun ang datingan. Sa DOTA lang madalas magamit yang term na yan pero napagisip isip ko na swak ding gawing adjective to sa girlfriend ko na itago na lang natin sa pangalang Judy. Ilang taon na kaming magkasama at minsan napapailing pa rin ako sa mga IMBA traits nya.

Heto ang ilan sa mga IMBA traits na sinasabi ko.

1. Hypnotism - Meron syang paraan na kahit 200 degrees celcius na ang init ng ulo ko ay kayang kaya nya ito palamigin. Parang binuhusan lang ng tubig na galing sa ref na nag de-froze. Di ko alam kung sa salita ba nya o eye contact basta next thing I know lumipad na sa langit ang galit ko.. di ko na nakita.. pumutok na pala. Parang gusto ko na tuloy maniwalang miyembro talaga sya ng Budol-budol gang.

2. Entrepreneur Power - Bago ang lahat, sinigurado ko muna sa NSO kung talagang hindi Sy ang apelyido ng girlfriend ko. Bakit? Kasi naman dinaig pa si Henry Sy sa pagnenegosyo! Kahit yata anong ibenta nya laging nabibili. Saka wala sa kanya ang tubo, kahit limang pisong tubo go lang ng go na parang ang misyon at kalagiyahan nya lang sa buhay ay makabenta. Mapa direct selling, eBay, pautang - walang palya kay Juday.

3. Super Human - Sanay ako maglakad, pero pagdating sa mall, lalo na pag nagsho-shopping kami, Diyos ko po! Ang paa ko humihiyaw na sa sakit pero si Judy sa kung anong salamangka eh hindi pa rin nakakaramdam ng ngawit o pagod sa kakalakad! At wag ka pa, ang mga bitbitin! Sus mio, ilang paper bags at plastic bags na nakasabit sa kamay pero all smiles pa din. Habang ako ay nakaupo na sa aking "oasis" (upuan sa department stores - I LOVE YOU) at nagrerecharge, wala pa ring kapaguran si Judy sa paglibot na tila ba walang bitbit na tig-isang toneladang dalahin sa magkabilang kamay. No wonder mahilig sya sa shoes kasi gamit na gamit talaga ang mga paa ni ate.

4. Mathematician - Bobo ako sa math. Enough said. Kaya naman parang hulog ng langit sa akin ang isang girlfriend na ang lupet sa numero. Na kahit yata sa panaginip eh nagbibilang at nagkukuwenta pa rin ng pera (since nasa banking industry sya). Laking ginhawa ng may accountant na nagma-manage sa mga bayarin at expenses. Isa pa ring misteryo sa akin paano nya napagkakasya ang monthly budget namin kahit na sandamakmak ang gastos sa aming wedding preparations. Mero ba kong di nalalaman? Again, di nga kaya miyembro sya talaga ng Budol-budol gang?

5. Cat Woman - One of the few things na pareho kami. Love of cats. Kung mahilig ako sa pusa dahil meron akong isa, ano kayang tawag sa kanya na meron namang siyam? Hilig pa ba tawag dun o humaling? Anyway, ibang klase din kasi ang dedication nya sa mga pusa nya. Meron ngang time na sobrang nilagnat yang si Judy.. sa halip na tumawag ng doktor, ayun napatawag ng vet, kasi nagkasakit din pala yung isa nyang pusa. Di bale na syang magkasakit wag lang daw yung pusa nya. I'm sure kung may mga santo ang pusa, isa na syang patron.. at may school pa! Saint Judy Academy CATholic School (ba-dum-tsss!).

Ilan lang yan sa mga IMBA traits na naiisip ko pero I'm sure marami pang iba. At marami pang madidiskobre after namin ikasal. That's why I consider my self lucky na magiging future husband nya (o baka nabudol-budol lang ako?!) JOKE! hehehe.

Juday and Phil (ang pusang Pilay) during our pre-nup pictorial sa Eco Park


4 comments:

  1. napangiti at napatawa mo ako dito :) loveeeee you!!!

    ReplyDelete
  2. sabay na ngiti at tawa? paano yun? pa-demo nga haha! love you

    ReplyDelete
  3. nakaka relate ako dun sa number 3. Super Human sa pagsha shopping. :)
    kahit mahilig akong mag-basketball at paminsan minsan e nasasabak sa 5K marathon e talagang suko ako pag nagsha-shopping si wifey.

    anyway, I'm happy for you both dre. Advance congratulations to you both. )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks men, malapit ko na din maabot level mo hehe family man! btw nagulat naman ako sa first name mo pre sanay kasi ako sa Bobby haha!

      Delete