Tuesday, November 20, 2012

Nauto ng Matatanda

Para masabing "awesome" ang childhood mo dapat marami kang alam na extra facts. Extra facts na pwedeng nanggaling sa mga nakakatanda sa'tin or sa mga kalaro natin na nagpasalin-saling dila na lang, Tapos sa paglaki mo, marerealize mo na lang na walang saysay ang mga facts na ito dahil hindi sila facts kundi mga walang basehang kaalaman. Mga kaalamang pag inisip mo ngayong mabuti ay matatawa ka na lang sa sarili mo dahil naniwala ka.. or more appropriately, nauto ka!

Ito ang top 3 na kaalamang (hindi naman) na nakalap ko noong bata pa ako.

1. May kinakasal na tikbalang pag umulan habang umaaraw - Hanep no? Kung totoo 'to ang dami na sigurong tikbalang sa pinas. Sa kung saan nanggaling ang kaalaman na ito ay di ko rin maipaliwanag pero alam lahat ito ng mga kalaro ko dati kaya paniwalang paniwala naman ako. Saludo ako sa nagpakalat nito dahil kahit wala pang social networking noon nagawa nyang gawing "viral" ang pausong ito.

2. Huwag mahihiga sa unan ng basa ang buhok dahil nakakabulag - Kahit sino sigurong doktor ay mapapakamot ulo na lang kapag tinanong ko kung may scientific reasoning ba ang blind awareness tip na ito. Ang bigat di ba? Bulag agad! Sinong bata ba ang maglalakas loob i-risk ang mata nya dahil lang tinatamad syang magpatuyo muna ng buhok bago sya humiga? Naisahan talaga ako ng lola ko sa panakot na to... nice one lola.. well played.

3. Huwag lalabas ng bahay dahil may nangunguha ng bata - Apparently, isa itong desperate move ng mga parents kapag ayaw paawat sa paglabas ang kanilang mga anak. Minsan bumbay ang nangunguha minsan naman satanista. Biruin mo yun.. satanista? How desperate can they get? Meron pa yang dagdag na ilalagay ka raw sa sako tapos ibebenta sa malayo. Come to think of it, so that's why di ako pala-labas ng bahay hanggang ngayon - effective!


1 comment:

  1. Magalay ng candy sa Santo Nino. Wut? Mahilig pala siya ng candy.

    ReplyDelete