Imbitado Events on the left, Nice Print Photography on the right, US in between <3 |
Wala na yatang sasarap pa sa pakiramdam na SA WAKAS... tapos na ang sleepless nights at worries about our wedding. Wala na ang eyebags at pagiging tulala madalas. All that remains are the wonderful memories na naganap sa "magical" na araw na iyon. Pero syempre di magiging ganun ka-successful ang araw na 'yon kundi dahil sa cooperation ng aming mga relatives, kaibigan at mga suppliers.
Yup, malaking malaki ang impact ng suppliers sa ikakaginhawa ng isang kasal. Pwedeng mauwi sa disaster ang lahat in just a snap kapag nagkamali ka ng kahit isa sa iyong mapipiling suppliers. Pwedeng wala pa kayo sa altar pero ngumangawa na kayo dahil sa problema. So ano ano nga ba ang sakop ng suppliers na 'to?
Depende sa mapag-uusapan nyong mag-asawa kung ano-anong kukunin nyong suppliers. Kung trip mo umarkila ng karwahe na gawa sa kalabasa o kaya naman gigantic chocolate fountain with free salbabida - well, go ahead! Sky's the limit! Yun eh kung ang budget mo ay abot din hanggang langit. In our case, na ang budget ay "tanaw" lang ang langit (at ipinasa-langit na lang namin), we chose to have the best suppliers out there na di mabigat sa bulsa. Believe me, kapag naging out of hand ang gastos sa kasal parang ang feeling nyo ay aattend kayo ng libing instead na aattend ng kasal. Ang bigat! Kaya dapat wise at talagang alam nyo saan dapat mag-invest. On that note, I would like to thank the following for making our wedding ultraelectromegnetic fantastic!
Malate Church - Wala akong masabi sa pagiging organized ng church na ito. Very detailed sila sa pagbibigay ng instructions at ang babait ng staff. The priests are also charming. Foreigner sila pero ang gagaling managalog - kaaliw lang, hehe. Not to mention na yung fee nila is lower compared sa ibang mga simbahan dito sa Manila. God bless Malate Church! (http://www.malatecatholicchurch.org/)
Ibarra's Garden - Dito yung venue ng reception namin. Simple pero elegante. Higit sa lahat, ang sarap ng chibog. Naaalala ko nga yung food tasting namin sa kanila parang pampamilya sa dami ng food! Sana nagsama pala kami ng friends during the food tasting. The venue was super comfy during the reception at ang babait pa ng waiters as well as their photobooth guys MyQuickPixx. Thanks Miss Angel! (http://www.ibarraspartyvenues.com.ph/)
Violet and silver never looked better together |
Nice Print Photography - Akala namin dati sa mga bigating artista lang sila bibo at todo pero nagkamali kami. Sobrang galing nila no matter who you are, what you do, where you're from as long as you love me client ka nila. Sa pre-nup pa lang alam ko ng makakasundo namin ang mga sugo nilang photographer at videographer. I am sure dadami pa kukuha sa kanila sa galing nila at professionalism. They gel well with other suppliers too so walang conflict what so ever. Thanks Weng! (http://www.niceprintphoto.com/)
During our prenup shoot sa |
Joy San Gabriel - Minsan the nicest things come from the nicest people. Like yung nag-supply sa amin ng cakes. Grabe sa sarap ng cakes nya at grabe din sa bait ni Miss Joy. No wonder after our wedding ang daming nag ask about sa cakes nya at ayun - nagsipag-order na din for this christmas season. Wala ba kaming referral fee dyan? We accept cakes. LOL. (http://joysangabrielcakes.blogspot.com/)
Nice cakes made by the nicest people like Miss Joy |
Urbanista Invites - Sa sandamakmak na wedding fairs na pinuntahan namin ni Judy, I can already say na marami talagang options who to trust with your invitation. Pero kung maarte ka at meron kang specific design na nasa isip mo (like me), napabilib ako sa Urbanista how they captured my thoughts and transformed it to reality. Kudos to all your staff at sigurado ako marami pa kayong mapapasayang couples. (http://www.facebook.com/urbanista.invitations)
Ang aming "interactive touch screen" invitation |
Imbitado Events - Coordinators ang sagot kung bakit di nababaliw ang mga couples sa pag aasikaso ng kung ano-ano during their wedding preparations. Pwedeng all through out nung wedding preparations may coordinator na agad kayo or just chose to have an on-the-day coordinator (like we did) kung gusto nyo na semi lang ang pagka-baliw nyo, hehe. I can say with full confidence na naging swabe ang lahat because of Miss Ayie and her team. They're dynamic, madaling kausap at very dependable. (http://www.imbitadoevents.com/)
Wag po kayo matakot, matitino po silang coordinator LOL |
Ria Redor - Nakilala sya ni misis a few years ago during a photoshoot at mula noon sigurado na sya na sa araw ng kasal nya si Miss Ria ang "magpipintura" ng mukha nya. And that just what happened. Miss Ria already worked with celebrities pero di mo makikitang may ere sya o attitude. At para maging favorite sya ni Judy, I can already say na she's doing the make-up right and doing it with the right attitude. (http://riaredor.weebly.com/)
Presenting the Ria Redor violet collection |
Legacy - Salamat sa kanila at kahit sa isang araw naging kagalang galang ang itsura ko. Yung suit na nabili ko sa kanila (pati na rin sa father at brother in law ko) is top grade. Kung may maging problema man sa sukat they see to it na maaayos nila agad ito ASAP. Eto yung a few times na practicality actually gets real quality. Thanks Miss Malou at long live 168. Viva Divisoria! (Aurora C. Paras tel.no 256-2958; cell- 0928-4249889/ 09399181359)
Photo taken by Nice Print apprentice kuno Rhy Vibal |
Meron pang ibang suppliers kaming nakasalamuha pero these are the suppliers on top of my head. Job well done din naman sa mga di ko nabanggit (you know who you are). Ang saya lang talagang tingnan na yung mga kinuha mong suppliers work together as if under sila ng isang team. Ang galing! Kumbaga sa Voltes V mas astig talaga pag nag-volt-in na yung individual jet supplier fighters to form a big robot programmed to make your wedding fantasy come true.
Siguro huling payo ko na lang sa mga nagbabalak magpakasal is to choose suppliers na play well with others. Walang attitude at madaling kausap. You might not get the lowest of low priced supplier pero you will get the quality and the peace of mind na kailangan mo. Remember, di lahat ng mura OK and vice versa. Read forums and research about sa supplier na target mo before booking them. Wala namang nasa posisyon para magbigay ng feedback kundi clients din na nag-book sa kanila before. Google is your friend!
woot! ang panget ng pic namin pero ang sayaaaaa! :) --AYIE
ReplyDeleteHaha thak u miss ayie sa kwela at maayos na kasal :)
DeleteThank you for trusting us! :)
ReplyDeleteThank you din sa creativity and patience in making our fantasy invitation into reality :) happy new year!
ReplyDelete