Tuesday, December 11, 2012

Wedding Jitters

Wedding jitters. Ang pagiging anxious about sa kung anong mangyayare before, during at after the wedding. In short - WORRIES. Siguro I'd say normal ito, lahat naman kinakabahan sa kung ano'ng di pa natin alam di ba? What if's kumbaga. Pero ano nga ba ang signs na ikaw ay unti-unti ng pumapasok sa wedding jitters territory? Well, here are some samples.

1. Feeling mo ikaw na lang lagi. Madalas mangyare 'to pag palapit na ang araw ng kasal. Gahulan na at pakiramdam mo ikaw lang lagi ang responsable at nakakaramdam ng urgency sa mga dapat gawin sa wedding nyo. Feeling mo yung partner mo eh pachillax chillax lang at walang pakelam sa kasal nyo. Tanong ko lang sa'yo, totoo ba? Talaga ba'ng IKAW na lang ang kumikilos? O baka naman nafufrustrate ka lang dahil yung expectation mo eh di mo nakikita sa mga ginagawa ng partner mo? Well, could be true. The partner doesn't reach the expectation BUT it doesn't mean wala na itong ginagawa. Remember, iba iba ang tao. Iba't iba ang capacity. Easy lang sa pag belittle sa partner mo dahil like you, for all you know, binibigay na rin nya pala ang best nya.

2. Kwentahan. Nako, magugulat ka na lang what wedding jitters can do to a person. Gaano man kasagwa talagang darating sa point na pati pera pag-aawayan nyo. Money matters talaga. Lalo na pag medyo above average ang mga gastusin sa kasal, nakupo, asahan mo pagdating ng bayaran hell will break loose! Mahirap talaga na yung amount kasal nyo is more than the couple could handle. Wala pa nga kayo sa simula ng married life nyo puro utang na di ba? Kaya iwasan ang ganitong scenario. Pero kapag nandyan na ang sitwasyon, well, consider it a test. Di lang basta test kundi isang final perodical test sa hirap. Pero tulad ng lahat ng test, maipapasa naman 'to CONSIDERING na ang team work nyong mag asawa is solid. Lahat naman may paraan at napag uusapan. Hirap nga lang pag inatake na ng wedding jitters nagkakandaleche leche na ang team work ultimo communication.

3. Di ka na makatulog. Sa kakaisip mo ng kakaisip sa kasal ang tendency mo ay mag-worry ng mag-worry. Halo halo na. Finances, schedule, at kung ano ano pang pampagulo sa utak. Ang resulta? Bonggang bonggang eye bags. Sleepless nights. Masama 'to dahil alam naman nating unhealthy ang di pagtulog ng maayos. Bilang responsible partner, try mong pakalmahin ang anxious fiance mo at bigyan ng peace of mind para naman medyo makalanghap sya ng kahit konting optimism kahit na gaano pa sya ka nega as of the moment. Sadly, kahit anong pampakalma gawin mo nasa sa kanya pa rin ang last say kung ano ba gusto nya maramdaman. Minsan nga lalo pang nauuwi sa masamang sitwasyon ang attempt mong pagpakalma sa partner mo. Para naman sa iyo may sleepless friend, try mo naman din magrest. Ikaw din, papangit ka sa kasal mo. And give your partner a break, wag mo naman bulyawan kapag nagsusubok syang pagaanin ang dalahin mo.Gusto ka lang nya sumaya - it is that simple.

4. Masakit ka na magsalita sa partner mo. Sabi nga nila, minsan mas okay pang saktan mo na lang ng pisikal ang isang tao dahil ang sugat gumagaling pero ang sakit na galing sa salita really takes a while to heal  (or sometimes never). Bago ka magsalita ng crucial sentences mag esep esep ka muna kaibigan! Kapag sinabihan mo ng something like di mo na mahal partner mo that's like hitting below the belt at parang inupper-cut mo sa mismong yagbols ang kalaban. Ganun sya ka-foul. Can you imagine living a life together with someone na "di mo naman talaga mahal" as you've said? O kaya someone na "walang kwenta"? These statements really hit the mark at napakabigat marinig. Of course maaaring nasabi lang ito out of stress but still. We are talking about emotions here na nasa pinakasensitibong stage ng buhay. It's like a fork in the road sa buhay ng isang tao. Kakanan ka ba o kakaliwa? Continue to travel solo or travel with someone? If you choose to travel with someone, well, mind your words then. Maaaring tatahitahimik lang yan pero di mo alam nadudurog na pala pagkatao nya sa masasakit mong sinasabi. Your partner just opted to understand your "stress" and bears it all for the sake na makaiwas sa away or simply, baka sobrang mahal ka lang nya talaga.

5. Nagbobrodcast ka na ng sama ng loob. As corny as it sounds, yes, some people just can't help but broadcast their frustrations online. Mapa facebook o twitter, makikita mo na lang ang sarili mong nagsisisigaw sa world wide web regarding sa mga hinanakit mo sa buhay. Okay, I get it. Lahat kailangan ng outlet. Pero susmio naman, why broadcast it for all the world could see? Di mo ba naisip na one way or another you are actually destroying your partner kapag nagsabi ka ng kung ano ano online regarding your problems? Do you honestly think that facebook is the right venue para idiscuss ang problema nyong soon to be husband and wife? Ewan ko lang sa iba pero ako personally sagwang sagwa ako sa mga ganyang posts. I mean, tama bang channel ito para dyan? What more kaya kung ako yung target nung negative comment sa facebook? Nandyan ng magco-comment ang friends nyo about sa broadcasted problem hanggang sa marami ng sasawsaw. Ironically, minsan kahit pinapayuhan ka na ng tama ng isa mong kaibigan you still choose to continue. Halimbawa papayuhan sya ng "Sige kaya pa yan. Dapat mangibabaw ang love". Sasagutin naman nya ng napakalamig at nagyeyelong "No comment." Ang sukdulan pa nyan, minsan aabot pa sa point na iuunfriend ka na ng partner mo sa facebook dahil sobrang badtrip nya sa'yo. Very mature no? But also very hurtful nonetheless.


2 comments:

  1. Replies
    1. I believe it was designed like that talaga. Pinaka-challenging kapag palapit na ng palapit ang d-day. Pero pag nalampasan n'yo - it will be a bliss :) Parang panaginip.

      Delete