4 days after the wedding day.
Wow, na-survive namin yun?! Truly, sa kasal mo may mga bagay na magagawa at makakaya mo na akala mo di mo kakayanin at magagawa before. The preparations, savings, coordinations.. whew, napatanong na lang kami sa sarili namin after the wedding. "Nakaya natin yun?"
Magic.
Ano pa nga ba? sabi nga ni Boy Abunda there's really something magical about the universe kapag araw na ng kasal mo. The bride seems to be at her most beautiful and the groom, well, charming as always (lagi naman eh) LOL. It's like kahit anong hassle pa mangyare - the wedding will always flow accordingly.
12 hours before the wedding.
Naaalala ko yung ngawa ni Judy around 4am ng madaling araw sa araw mismo ng kasal namin. Her gown just arrived and according to her - it's a disaster. For some reason (and lame excuses), talagang natapos at naipadala lang yung gown 12 hours before the wedding. Lupet di ba? Tapos palpakers pa yung itsura.
4 hours before the wedding.
For some reason, the ugly gown na iniiyakan ni Judy a few hours before has now turned into this majestic gown na nakita ko sa kasal namin. Same gown na napanood namin sa videos. Same gown na nakita ko sa mga wedding pictures namin. Definitely nothing wrong with it now. Everything's just (tailored fit) right.
Simple and beautiful.
Just like everything else, the wedding went smoothly. Ayoko naman ng fancy wedding na may kung ano anong ek ek, gusto ko lang naman maayos at simpleng kasal. Salamat naman kay Bro at yun yung binigay nya sa amin. And much much more.
Thank you.
Salamat din sa lahat ng mga taong naging parte ng love story namin. Mula sa simula hanggang sa ending ng reception at sa mga susunod pang mga taon. Ngayong may bling bling na kong wedding ring sa daliri, it will always remind me of that one memorable day na paulit-ulit kong ire-rewind sa isip ko.
No comments:
Post a Comment