Last Friday sa kasagsagan ng "shower party" ni Judy ay kasabay na palabas ang Maalaala Mo Kaya na ang episode is about sa gay relationship. Maganda yung episode.. nakarelate kami.. CHOS! Seriously, magaling si Carlo Aquino sa role nya at di rin matatawaran ang makabagbag damdaming soundtrack ng episode na 'to.
Mabalik tayo sa Maalaala Mo Kaya. Ilang parlors kaya ang nakatutok sa mga TV nila noong nakaraang Biyernes? Ilang mga nagpapa hot oil at rebond kaya ang naimbyerna dahil di naka-focus ang hairdresser na naka assign sa kanila dahil sa panonood? At ilang tissue paper kaya ang naubos ng mga kababayan nating beki dahil sa mala you and me against the world na istorya nina Carlo Aquino at Joem Bascon (thank you Google). Klaro naman ang mensahe ng Maalaala Mo Kaya last Friday. HUWAG na huwag papatol sa mga gym instructors. Joke lang. Ang totoong moral lesson ay RESPETO. Kahit ano pang gender mo mapa first, second o third pa yan.. dapat magrespetuhan tayo. Vice versa din naman, kaya sa mga sumisitsit na bading tuwing may dadaang lalake PLEASE lang.. ichorva nyo na yang mga ganyang gawain!
Lastly, dapat maging aware na rin tayo na dumarami na ang HIV positive sa pinas. So ano ibig sabihin nito? Obviously, ingat ingat lang mga parekoy... at marekoy. Wag masyado malikot sa mga aparato at baka madisgrasya!
No comments:
Post a Comment