Thursday, December 13, 2012

Before I Do

In less than 24 hours ang inyo pong lingkod ay magbabago na ng status from in a relationship to it's complicated married. Just like that pupunta na ako sa next phase ng buhay... ang married life. Maraming nagtatanong ano daw ba'ng feeling ng ikakasal na. Kabado? Excited? Anxious? Well, siguro ilagay mo ang mga emosyong yan sa blender tapos i-mix natin ng mabuti then there you go - that's the feeling of a groom to be.

But really, more than anything else, I am happy.

Maraming mga bagay ang tumatakbo sa isip ng isang ikakasal na. Majority ng mga isiping yan is paano na AFTER the wedding. After the celebration and real married life kicks in. This is a new territory kaya I'm sure kapaan muna talaga sa umpisa (hindi sa bastos na context ha).


After wedding, game over na nga ba? Like di ko na magagawa yung mga ginagawa ko nung binata pa ako? I don't think so. Nasa diskarte nyo na yan kung paano mag ko-co-exist ang mga trip nyo sa buhay. Though iba iba ang tolerance ng tao sa compromise, I just hope every couple somehow finds that sweet spot kung saan nagmi-meet ang kani-kanilang interes sa buhay. Let's call it the G-spot of compromise, hehe. One of these days I'll tell you how I convinced Judy na kailangan namin ng Xbox sa buhay namin. Hell yeah!

Meron din naman akong iniisip regarding the wedding itself. Swabe na ba ang lahat? Yung venue? Yung mga kakainin? Yung program sa reception? Yung mga bayarin? Kaya nga sabi nung barkada kong groom to be din na kapag daw nakita ko syang umiiyak during ng kasal nya isa lang daw ibig sabihin nun - naiisip nya yung gastusin. Baliw lang. Di kaya ganun lahat ng mga nakita kong umiiyak sa kasal? Sa isip-isip ko "grabe sobrang mahal na mahal nya yung mapapangasawa nya oh, naiiyak pa sya" yun pala iba reason ng iniiyak. I'm sure my friend is kidding pero sa wedding talaga maraming self-discoveries. Kaya nga siguro ganito ka-lupet ang wedding preps para dito pa lang eh hinahanda na kayong mag-asawa sa mas malulupit pang pagsubok as husband and wife <play music PAGSUBOK by Orient Pearl>.

Masayang thought din na sa araw ng kasal mo is yung thought na ito ay isang grand reunion ng mga taong pinakamalalapit sa iyo. Sabi nga sa'kin ng isa ko pang kaibigang kinasal na, kumain na raw kami ng maraming pag may chance kasi wala na raw kaming chance kahit kumain sa dami ng babati at magko-congratulate sa amin all day long. Parang politician lang. The more your friends and relatives, the more handshakes and greets you'll get. In our case, it's almost UNLI-SHAKE and UNLI-GREET. I can already hear my sigh of relief pag natapos na ang December 14 at lumapat na ang likod ko sa kama ng hotel. Maybe I'll crack a smile and reminisce what just happened through out the day. 

I am so thankful sa bride to be ko dahil mas hands on sya sa mga anik anik na detalye ng kasal. Kung baga sya yung operations at ako yung labor force. Sya sa boss ng Finance Dept. ako yung head ng Maintenance Dept.. Sya yung leader ng sindikato at ako yung goon na taga-tumba ng mga target nya. Well, mabait naman syang boss pero di pa nya binibigay 13th month pay ko, hehe. Seriously, I adore her tolerance and patience sa mga panahong sinusukob na kami ng stress. I admit, sometimes I can be such a pain in the arse pero luckily, di pa naman sya nag ba-back out sa kasal. Matibay-tibay yung helmet na nabili ko kahit made in China. As a groom ng isang stressed bride, siguro my main role is to stabilize her. Paano? Simple lang. Wag na dumagdag sa pinoproblema nya at HUWAG papatulan ang occasional outbursts nya. Just remember na this lady is under extreme stress and she deserves all the understanding in the world! Just like what I've said, lahat ng nangyare before the wedding is a TEST. Test of patience, understanding at ng kung ano ano pa. Pag pumasa kayo sa pagsusulit na 'to - congratulations! Graduate na kayo sa singleness university at makakatanggap na kayo ng diplomang tawagin na lang nating marriage contract.*


*Makakatanggap rin kayo ng isang set ng Wil Cologne, Cherry mobile at jacket.


No comments:

Post a Comment