Okay, so nagbasa basa ako kung ano na nga bang bago at mala-milestone na improvements meron ang bagong labas na iPhone 5. Oh yes, ang iPhone 4S mo ay isa ng thing of the past. JUST LIKE THAT. That being said, so expected ko na eto na ang iPhone na kinaiintay intay ng maraming Apple lovers. Besides, yung iPhone 4S parang special version lang ng iPhone 4 di ba? Pero kiber - pinagkaguluhan pa rin ito sa market. At heto na tayo ngayon - iPhone 5, the whole number 5. Nakakaimpress ba o nakakadepress? Nakakadepress siguro lalo na kung wala kang pambili.
Sa totoo lang lahat ng masasabi ko dito based on research lang. Intense research online sa isang super secure at hi-tech na paraan na bihira pa lang ang nakakaalam at gumagamit - Youtube. Purely out of curiosity ang paghahanap ko ng reviews about iPhone 5 dahil nga sa hype (as always) na nakukuha nito. Pero bakit ganon? Bawat mapanood kong review parang hirap na hirap makahanap ng justifiable improvements from its previous version? I watched reviews from actual non-commercial individuals para walang halong sipsip o bias ang opinion. At ayun na nga! Nagkukumahog ang mga loko sa paghahanap ng magandang rason kung ano bang great milestone meron ang iPhone na 'to. Like the one below for example.
Of course my improvements like mas humaba sya, may aluminum sa likod, mas malupet na processor and camera. Pero I am looking for a justifiable improvement na makakapagkumbinsi sa akin (pag nanalo ako sa lotto) na makabili ng iPhone 5. Nakita ko sa mga comparisons on Youtube na halos wala naman pinagkaiba sa performance ng iPhone 5 sa iPhone 4S. Actually minsan nga napapahiya pa ang iPhone 5 dahil nauunahan pa sya ng iPhone 4S sa paglo-load or pag bubukas ng apps. Minsan mas crisp pa ang picture quality ng iPhone 4S dahil less saturated and also di rin maganda design nung earphones ng iPhone 5 (di raw swak na swak sa earholes) compared sa dati and the sound quality doesn't make much of a difference. Click the image sa baba to read a rant article I came across about the so called earpods. Galit lang si kuya sa article and its title says it all.
Heto pa ang nakakabadtrip sa iPhone 5. Umiral na naman ang kaswapangan ng Apple dahil ang usual na sync cable ng iPhone na pahaba ay pinalitan na nila ngayon ng mas maliit, Sure, included ang new sync cable na 'to if you purchase a brand new iPhone 5 pero useless na pala yung dati kong cable ganon? Well, not really. You just have to BUY an adaptor kung gusto mo gamitin ang old cable mo. So paano na yung dock speakers mo at other old iPhone accessories? Sorries na lang? BOOM! Just like that di na compatible and you need to cash out para sa adaptors. Click the image below para mabasa nyo masasabi ng Gizmodo about sa henyong upgrade na ito.
Lastly, okay, ayos, mas pinahaba ang screen. Pero sana naman namamaximize yung screen size hindi yung may black borders almost all of the time yung screen di ba! Eh di parang ganun din di ba? Ang nakakatawa ultimo Apple store di pa adjusted yung screen resolution so may black borders din. WOW Bill Gates, anyare? Mapa-game apps, internet websites, ganun ang siste. Sana mas mabilis makaadjust ang mga developers para mamaximize yung screen ng iPhone 5 para naman di parang ilusyon lang yung mas mahabang screen.
Well, that sums it up for my iPhone 5 review. Again, di po ako Apple hater - wala lang pong pambili ng iPhone, hehe.
Naisahan na naman apple ang mga fan / social climbers lol .
ReplyDeleteThis blog was... how do I say it? Relevant!! Finally I've found something which helped me.
ReplyDeleteThanks!
Visit my page - army enterprise email (http://membersitepub9.x10.mx/people/debbiemalc)